Sinulog festival, muling matutunghayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,672 total reads

Muling isasagawa ng Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu ang lahat ng mga gawain ng kapistahan ng Sto. Niño sa Enero.

Sa pagtutulungan ng basilica at lokal na pamahalaan ng Cebu muling matutunghayan ng publiko ang tradisyunal na Sinulog Festival makalipas ang dalawang taong pagpaliban dahil sa pandemya.

“After two years of hiatus from all public religious activities, the Friars have decided to resume all religious activities of the Fiesta Señor,” bahagi ng pahayag ng basilica.

Ito’y kasunod ng masusing pag-aaral ng lokal na pamahalaan kasama ang mga health expert’s para tiyakin ang kaligtasan ng mga debotong makikiisa sa pagdiriwang.

Kabilang sa muling isasaagawa sa ika – 458 kapistahan ng batang Hesus ang Penitential Walk with Jesus bilang pagbubukas sa selebrasyon sa January 5 sa alas kuwatro ng umaga; Novena Masses mula January 5 hanggang 3; Penitential Walk with Mary sa January 13 sa alas kuwatro ng umaga; Traslaciones sa imahen ng batang Hesus sa mga lunsod ng Mandaue at Lapu-lapu; Fluvial Procession; at grand procession ng Venerable Image ng Sto. Niño de Cebu.

Tema sa kapistahan ngayong 2023 ang ‘Sto. Niño: Our Source of Peace in the Walk of Faith’ kaugnay na rin sa nagpapatuloy na synodality ng simbahang katolika.

Hamon ng mga paring Agustino sa mga deboto at mananampalataya na patuloy pagnilayan ang sama-samang paglalakbay tungo sa landas ni Hesus at makiisa sa misyon ng Panginoon na ipalaganap ang Mabuting Balita sa bawat pamayanan.

Paalala ng basilica sa mga deboto na manatiling sundin ang safety protocols upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

“As we resume all our religious activities this forthcoming Fiesta Señor, we appeal to all devotees, pilgrims, and guests to adhere to all protocols which are being implemented for a safe, order, and solemn conduct of our religious celebration,” dagdag ng basilica.

Ang Sinulog Festival sa Cebu ang isa sa malalaking pista sa Pilipinas na dinadayo ng milyung-milyong deboto sa iba’t ibang panig ng mundo at ng mga turistang dayuhan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,845 total reads

 85,845 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 117,575 total reads

 117,575 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 219,400 total reads

 219,400 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,960 total reads

 259,960 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,831 total reads

 276,831 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top