Red Wednesday, nakatakda sa ika-23 ng Nobyembre 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,322 total reads

Ang kulay pula ay kulay na sumisimbolo sa dugo ng mga martir ng Simbahang Katolika.

Ito ang binigyang diin ni Msgr. Pedro Gerardo Santos – Chief Operating Officer ng Aid to the Church in Need – Philippines kaugnay sa kulay pula na makikita sa sagisag ng pontifical foundation ng Vatican at ang kampanya nito kada taon na tinatawag na Red Wednesday.

Ayon sa Pari, ang kulay na pula simbolo ng maalab na apoy ng Espiritu Santo at pagmamahal sa Diyos na hindi dapat i-ugnay sa anumang pampulitikang partido o personalidad.

Ibinahagi ni Fr. Santos na sinisimbolo din ng kulay pula ang dugo ng mga martir na ibinuwis ang buhay para sa pananampalataya.

“The red is a very important symbol for us Christians, it symbolizes the fire of the Holy Spirit, symbolizes the power of love, it symbolizes the blood of martyrs.” Ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Santos.

Ipinaliwanag ni Msgr. Santos na ang patuloy na pag-uusig sa mga Kristiyano sa buong daigdig ay patuloy na pag-atake sa Simbahang Katolika.

Nanawagan ang Pari ng pagkakaisa upang maprotektahan ang Simbahan higit ang mga Kristiyano na dumaranas ng iba’t ibang uri ng karahasan at pag-uusig sa lipunan.

Nakatakda ang Red Wednesday campaign ngayong taon sa ika-23 ng Nobyembre, 2022 na may temang “Blessed are the Persecuted” na naglalayong palakasin ang kampanya para sa pananalangin sa mga Kristiyanong inuusig sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Taong 2016 nang simulan ng Pontifical Foundation na Aid to the Church in Need ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom bilang pagpupugay sa mga naging martir at pagsuporta sa mga Kristiyanong kasalukuyang inuusig.

Taong 2017 naman nang makibahagi sa Red Wednesday Campaign ang Pilipinas habang Enero ng taong 2020 ng aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 83,830 total reads

 83,830 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 115,559 total reads

 115,559 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 217,385 total reads

 217,385 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 257,945 total reads

 257,945 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 274,919 total reads

 274,919 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 55,173 total reads

 55,173 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top