Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,507 total reads

Patuloy ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas.

Ayon sa Pari, kinakailangan ng naangkop na hakbang upang tugunan ang tunay na kalagayan ng karapatang pantao sa bansa sa gitna pagbubulag-bulagan ng lahat lalu na ang mga opsiyal ng pamahalaan.

Umaasa si Fr. Buenafe na magsilbing daan ang pagsusuri ng U-N-H-R-C Universal Periodic Review upang maobliga ang administrasyong Marcos na siyasatin at bigyang katarungan ang mga human rights violation sa bansa partikular na noong nakalipas na administrasyong Duterte.

“The Universal Periodic Review must push the Marcos administration to end impunity and exact accountability for human rights violations. The victims demand justice. Mr. Remulla what is needed is real action for real justice.” pahayag ni Fr. Buenafe

Matapos ang pagsusuri, inirekomenda ng U-N-H-R-C) sa Marcos administration ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng extrajudicial killings at iba pang human rights violation sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Naunang iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na walang umiiral na ‘culture of impunity’ sa bansa.

Sa kasalukuyan, hindi tugma ang tala sa tunay na bilang ng mga nasawi sa kontrobersyal na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte kung saan nasa 7,000 lamang ang opisyal na tala ng pulisya habang aabot naman sa mahigit 30,000 ang datos na naitala ng mga human rights groups.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 83,845 total reads

 83,845 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 115,574 total reads

 115,574 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 217,400 total reads

 217,400 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 257,960 total reads

 257,960 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 274,933 total reads

 274,933 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 55,176 total reads

 55,176 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top