Bansang kasapi ng COP27 at G20, hinamong tugunan ang nagaganap na climate at economic crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,498 total reads

Hinamon ng Sanlakas Philippines ang mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang bansang dumalo sa COP27 at G20 Summit na manindigan para sa ikabubuti ng daigdig sa gitna ng nagaganap na climate at economic crisis.

Ayon kay Sanlakas secretary-general Atty. Aaron Pedrosa, dapat manindigan ang mga kalahok na bansa para sa mabilis, makatarungan, at pantay na paglipat sa 100 porsyentong renewable energy systems at low carbon development.

“We need real solutions to climate change and the multiple crises we are facing. The time is now to address the root cause of the problem, instead of pushing for false solutions that extend the life of fossil fuels,” pahayag ni Pedrosa.

Patuloy ang operasyon ng mga coal-fired at liquified natural gas (LNG) power plant sa Pilipinas na nagdudulot ng panganib sa kalikasan at kalusugan ng mga tao.

Sa kabila nito, mariing isinusulong ng iba’t ibang grupo ang paggamit at pagsuporta sa renewable energy dahil sa kakayahan nitong mapababa ang presyo ng kuryente at matiyak ang kaligtasan ng mga tao.

Samantala, panawagan naman ni Philippine Movement for Climate Justice national coordinator Ian Rivera na ihinto na ng mga mayayamang bansa, financial institutions at korporasyon ang pagpopondo at pagsuporta sa mga fossil fuel projects.

“We really have to end fossil fuels now. There must be no more new oil, gas or coal if we are to save humanity. Shift those financing to clean energy,” ayon kay Rivera.

Si Pedrosa at Rivera ay kapwa dumalo sa COP27 Summit sa Sharm El Sheikh, Egypt bilang kinatawan ng mga environmental, labor, at human rights group ng Pilipinas upang ipahayag ang mga panawagan para makamtan ang katarungang pangklima at ekonomiya ng bansa at buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 35,098 total reads

 35,098 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 170,137 total reads

 170,137 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 255,520 total reads

 255,520 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 319,353 total reads

 319,353 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 397,917 total reads

 397,917 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 225,399 total reads

 225,399 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top