Kalusugan at ang Ating Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,504 total reads

Lagi nating alalahanin na ang ating kalusugan ay nakatali sa ating kapaligiran. Marami sa atin, walang pakialam sa nangyayari sa ating kalikasan. Kung alam lamang natin na marami sa ating mga inaalintanang sakit ay dala na rin ng kapabayaan natin sa ating kalikasan, tayo mismo ang mangunguna kumilos upang bigyang proteksyon ang kapaligiran.

Magising na tayo kapanalig – climate change makes us sick. Ito ang pinakamalaking banta sa kalusugan ng mga tao sa daigdig ngayon. Ayon sa World Health Organization (WHO), malaki ang epekto ng climate change sa ating hangin, tubig, pagkain, at maging sa ating mga tahanan.

Dahil sa climate change, dumadami ang mga fine particulates – mga polusyon – sa ating hangin. Nagdudulot ito ng kahirapan sa paghinga ng maraming mga mamamayan. Nagpapalala ng mga sakit gaya ng hika.

Ang climate change din ay maaaring magdulot ng malawakang tagtuyot at kakulangan sa tubig.  At kapag kulang ang tubig – kulang ang irigasyon sa mga pananim, kulang ang sanitasyon sa mga tahanan.

Ang climate change din ay direkta ang banta sa ating mga kabahayan at kabuhayan. Lumalakas ang mga bagyo, at dumarami ang volume ng ulan. Lahat ng iyan ay pumipinsala sa buhay ng maraming mamamayan, lalo na sa ating bansa na napaka-bulnerable sa climate change.

Ayon sa WHO, sa pagitan ng 2030 at 2050, inaasahan na madadagdagan ng 250,000 deaths kada taon sa buong mundo dahil sa malnutrisyon, malaria, diarrhea, at heat stress. Aabot din ng mga dalawa hanggang apat na bilyong dolyar kada taon mula 2030 ang halaga ng direktang pinsala ng climate change sa mundo.

Mahalaga na makita nating lahat ang direktang ugnayan natin sa ating kalikasan. Kailangan nating makita na ang paglakas ng bagyo, ang pagdami ng ulan, ang pag-init o pag-lamig sa ating kapaligiran ay sanhi rin gawain ng tao.

Bilang maliit na bansa na napaka-bulnerable sa climate change, kailangan nating maging mas-vocal o malakas ang tinig sa isyu na ito. Tayo ang isa sa unang-unang napipinsala ng mga epekto ng climate change. Ang kalusugan ng ating mga mamamayan ang siyang unang namemeligro. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si: Climate change is real, urgent, and must be tackled. Kailangan natin itong harapin, kailangan itong mabigyan ng solusyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 19,882 total reads

 19,882 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 121,146 total reads

 121,146 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 191,322 total reads

 191,322 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 277,819 total reads

 277,819 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 319,438 total reads

 319,438 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Salat sa malasakit

 19,883 total reads

 19,883 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 121,147 total reads

 121,147 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 191,323 total reads

 191,323 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 277,820 total reads

 277,820 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »
Scroll to Top