Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,225 total views

Homiliya para sa Linggo ng Kristong Hari, Ika-20 ng Nobyembre 2022, Lukas 23:35-43

Ang pagpapahayag kay Hesus bilang Hari ay isa sa pinaka-epektibong paraan ni Satanas PARA WASAKIN ANG SIMBAHAN. Kaya gusto kong umpisahan ang pagninilay na ito sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Pista ng KRISTONG HARI sa pamamagitan ng isang warning o babala.

Kristong “HARI”—ito ang pinakamabisang tukso ng dimonyo sa mga tao, lalo na sa mga alagad ni Kristo, para imbes na maging simbahang sinodal tayo, imbes na matuto tayong makinig at makilakbay, o imbes na sumunod tayo sa daan ni Kristo ay malihis tayo ng landas. Maraming halimbawa mula sa bibliya. Una—ang magkapatid na apostol Santiago at Juan. Sa version ni San Mateo (Mt 20:21) ang nanay ang humihiling na “iluklok daw ang dalawang anak niya sa kaliwa’t kanan niya sa kanyang KAHARIAN!” Sa version ni San Markos, sila mismo ang humihiling nito. (Mk 10:37)

Isa pang halimbawa, sa kuwento ni San Juan tungkol sa mga taong nag-enjoy sa libreng pagkain na akala nila ay hinocus-pocus ni Hesus mula sa limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang limang libo katao. Sa kuwento ni San Juan sa chapter 6, pagkatapos daw ng pangyayaring iyon, hinabol siya ng mga tao para gawin siyang HARI (Jn 6:15). Ano ang ginawa niya? Umakyat sa bundok at iniwan sila. (Subukin mong gawing hari si Hesus ayon sa konsepto mo ng hari sa mundo, lalayasan ka niya.)

Ganoon din sa kuwento ni San Pedro nang tanungin sila kung sino siya para sa kanila. Ang sagot niya, “Ikaw ang Kristo.” (Mk 8:29) Na ang Ibig sabihin ay hinirang na HARI ng Israel. Kaya nang sabihin ni Hesus na ang Anak ng Tao ay magdurusa at ipapapatay sa Jerusalem, biglang hinarang siya ni Pedro at pinipigilan sa paglalakbay. Baligtad kasi iyon sa expectation niya.

Sa kuwento ni San Mateo tungkol sa ginawang panunukso ni Satanas matapos na mag-fasting si Hesus nang 40 days sa disyerto, ang pangatlong tukso ay tungkol sa mga KAHARIAN na pangakong ibibigay daw ng dimonyo kay Hesus sa kundisyon na luluhod ito sa kanya para sambahin siya (Mt 4:8-9). Ibig sabihin, ang paghahangad sa makamundong KAHARIAN ay katumbas ng pagluhod o pagsamba kay Satanas.

At kapag hindi makahirit si Satanas dahil ayaw bumigay ng simbahan sa tukso niya, ang nilalaro naman ng diyablo ay ang mga naghahari-harian sa mundo. Kinukumbinsi niya sila para ituring ang simbahan bilang kalaban sa pulitika o kaagaw sa trono. Di ba sa Kuwentong Pasko ni San Mateo nagwala daw ang Haring Herodes nang malaman niya na may mga bisitang galing pa sa malayo na naghahanap sa “bagong silang na Hari” (Mt 2:2) ng mga Hudyo? Hayun na-insecure tuloy ang praning na hari, minasaker niya ang lahat ng mga bata para manigurado na mailigpit niya ang akala niya’y umaagaw sa trono niya. (Mat 2:16-18)

Hanggang ngayon, ganito pa rin ang strategy ni Satanas para mapabagsak niya tayo. Ito rin ang pinagmumulan ng madalas banggitin ni Pope Francis na malaking problema ng Simbahang Katoliko na nagiging ugat ng lahat ng klase ng pang-aabuso ng mga Obispo at Pari: ang KLERIKALISMO. Kapag nahumaling sa kapangyarihan ang mga pari at obispo at ang ang tingin na sa sarili ay HARI.

Isa ito sa mga sinikap na i-reporma ng simbahan sa Vatican II. Ilang daang taon sa kasaysayan ng simbahan na ang Santo Papa mismo at ang mga Obispo ay mistulang mga Hari talaga. Iniluluklok sila sa trono, kinokoronahan, at ang tawag sa tirahan nila ay palasyo. Ano ang tawag sa tirahan ng Papa kundi “PAPAL PALACE?” Kaya nga ayaw tumira doon ni Pope Francis. Statement niya iyon.

Noong bago nagreporma ang simbahan sa Vatican II, alam ito ng mga nakatatanda, hindi lang iniluluklok sa trono ang Santo Papa, binubuhat pa ang trono! Si Pope John XXIII, dahil yata mataba siya, ayon sa kuwento, minsan naawa daw siya sa mga nagbubuhat sa kanya dahil nakita yata niyang lumalawit na ang mga dila nila. Di na niya muling ginamit pagkatapos noon. Ang huling Santo Papang gumamit nito ay si Pope John Paul I.

Kung ganoon nga naman ang asta ng mga Papa at ng mga obispo, aba’y gagayahin din talaga sila talaga ng mga pari. Gagawin din nilang mga little kingdoms (mga munting kaharian) ang kanilang mga parokya. Utos PARI, utos HARI. At mukhang pilit na namang ibinabalik sa uso ang ganoon—sa mga sobrang bongga at maluhong mga vestments at na puno-puno ng mga borloloy, sa mga simbahang magarbo, iyong tipong balot na balot sa gold-leaf ang buong retablo, sumisigaw sa luho. At pinagmumukha talagang trono ang luklukan ng obispo.

Ang malungkot nito, nireporma na nga, e pilit na namang ibinabalik. At madalas hindi lang pari kundi mga lay people pa mismo ang may gusto. Heritage daw kasi iyon. Tapos magko-complain naman kapag nasanay sa ganoon ang clergy at nagiging “clericalistic” ang ugali, kapag nang-abuso ng kapangyarihan ang mga pari nila. Siyempre, gawin mong hari ang pari mag-uugali talaga siyang hari. Nakahuhumaling ang PAGKAHARI.

Ano bang konsepto ng pagkahari ang gustong ipalaganap ni Satanas at madalas niya gamitin para ilihis ang simbahan? Iyung tipo ng hari na UUNAHIN ANG SARILI bago ang iba. Iyon ang narinig nating paulit-ulit sa ating Gospel reading sa kuwentong Pasyon ni San Lukas: una, mula sa bibig ng mga namumuno “Niligtas niya ang iba, ILIGTAS NIYA NGAYON ANG SARILI NIYA…” (Lk 23:35) Ganoon din ang sabi ng mga sundalo, “Kung Hari ka ng mga Hudyo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO.” (Lk 23:37) Pati iyung isa sa dalawang tulisan,sinabihan daw siya, “Hindi ba ikaw ang hinirang na Hari? ILIGTAS MO NGA ANG SARILI MO AT ILIGTAS MO NA RIN KAMI?” (Lk 23:39)

PANUNUYA ang tawag sa ganoon. Kaya nilagyan ang krus sa ibabaw ng ulo ni Hesus habang nakapako, ng isang karatulang nagpapahayag na hari siya, INRI, para sabihin iyun ang krimen niya—nag-ambisyon na maging hari (Jn 19:19) . Binalabalan pa siya at kinoronahan ng tinik para hamakin siya. Sa hindi natin nalalaman, baka ganoon din ang ginagawa natin sa pagdiriwang natin ng pyestang ito ng Kristong Hari—ang hamakin imbes na parangalan ang Panginoon tulad ng ginawa ni Pilato.

Walang ibang ipinahayag na kaharian si Hesus kundi PAGHAHARI NG DIYOS na malayong-malayo sa PAGHAHARING alam ng tao. Pero pilit nating pino-project sa Diyos ang gusto natin para sa sarili natin. Kung hari nga naman ang Diyos at tinawag tayong maging mga anak ng hari, ano ang epekto nito sa atin? Edi natuto tayong mag-ilusyon na tumingin sa sarili bilang mga prinsipe at prinsesang tagapagmana ng isang makalangit na kaharian na mararanasan lang natin pagkamatay natin. Bakit bumaligtad? Hindi niya sinabing “Makapasok nawa kami sa kaharian mo sa langit pagkamatay namin.” And sinabi niya ay “Mapasaamin ang kaharian mo dito sa lupa para nang sa langit”—hindi pagkamatay, kundi ngayon na, dito na—ang masimulan na ang langit sa daigdig kahit lampas sa daigdig ang kaganapan nito.”

Sa ebanghelyo ni San Lukas, sa eksena sa kalbaryo mayroong isang taong nakakita sa tunay na kahulugan ng pagkahari ni Hesus: ang pangalawang tulisan na nagpakumbaba. Matapos na paulit-ulit na hinamon si Hesus ng mga tao, pati na ng kasama niyang tulisan na unahing iligtas ang sarili, iba ang lumabas sa bibig ng pangalawang tulisan. Parang ganito ang punto niya sa kapwa niya tulisan na nakisali sa panlalait sa Nazarenong nasa pagitan nila, “Kung gusto talagang unahin na iligtas ng taong ito ang sarili niya, edi sana ginawa na niya mula pa noong simula. Kung hindi siya nagmalasakit sa iba hindi sana siya napahamak. Hindi nga kasi niya inuna ang sarili kundi ang kapakanan ng iba, kaya siya naritong nakapako kasama natin kahit wala naman siyang kasalanan. Iyon ang klase ng paghahari na pinanindigan niya: paghaharing inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sarili.

Kaya pagkatapos hinarap niya Hesus at sinabi sa kanya, “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong KAHARIAN.” At ang sagot sa kanya ng Panginoon ay, “NGAYON MISMO, makakasama mo ako sa Paraiso.” Iyun mismong sandali na binuksan niya ang puso niya kay Hesus, noon na mismo nagsimula ang paraiso para sa kanya. Hindi bukas o sa hinaharap kundi ngayon; hindi sa ibang lugar kundi dito mismo.

Sabi nga ni Basil Valdez sa kantang NGAYON:

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay,

Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay,

Ngayon gugulin mo nang tama’t mahusay,

Bawat saglit at sandali Magsikap ka’t magpunyagi,

Maging aral bawat mali

At sa refrain ang sabi niya,

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang

Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,

Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang

Kayganda ng buhay… NGAYON!

Walang bukas ang taong hindi sumisiryoso sa NGAYON. Dahil sa ngayon sinisimulan ang bukas. Hindi pantasya ang kaharian na ipinahayag ni Kristo. Hindi ito “pie in the sky when you die” o panpalubag-loob na pakunswelo de bobo sa mga miserable sa mundo. Ang pahayag niyang kaharian ay dapat nang simulan ngayon—nagsisimulang parang butil ng mustasa, parang binhi sa matabang lupa. Nagsisimula kapag natutong magmahal ang tao katulad ni Kristong nagmahal sa atin, kapag natuto tayong magmalasakit sa isa’t isa, lalo na sa mga kapuspalad.

Ang paraisong pangako niya ay hindi ibang lugar—dito mismo. Nagiging paraiso ang dito mismo sa mundo, kapag kasama natin siya sa misyon niya. Hiwalay sa kanya, ang buhay natin ay nagiging impyerno; nahihiwalay din tayo sa isa’t isa.

Kaya sinabi niya sa itinuro niyang panalangin—“dito sa lupa para nang sa langit”. Kapag ang langit at lupa ay nagkadugtong na muli, kapag ang Diyos at Tao ay nagkasamang muli bilang magkatipan. Kapag natutuhan nating sambahin ang ngalan ng Diyos, papaghariin ang Diyos sa buhay natin, sundin ang loob niya—ang dito sa lupa ay para nang sa langit!

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 5,745 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 22,225 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 46,848 total views

 46,848 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 119,152 total views

 119,152 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 150,434 total views

 150,434 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 182,450 total views

 182,450 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 332,277 total views

 332,277 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 10,038 total views

 10,038 total views Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 9,673 total views

 9,673 total views Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 34,878 total views

 34,878 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 98,897 total views

 98,897 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top