Makabagong pananamantala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total views

Mga Kapanalig, nakababahala ang mga balita kamakailan tungkol sa mga kababayan nating nire-recruit upang maging scammers sa ibang bansa.

Sa isang privilege speech, isiniwalat ni Senadora Risa Hontiveros ang modus operandi ng isang sindikatong sangkot sa human trafficking. Gamit ang testimonya ng 12 Pilipinong nasagip mula sa sinasabing sindikatong nag-o-operate sa bansang Myanmar, sinabi ng senadorang may isang mafia na kinakasangkapan ang mga kababayan nating magagaling magsalita ng Ingles upang mambiktima ng mga mayayaman sa bansang iyon. Pinangakuan ang mga kababayan nating magtatrabaho sila bilang mga call center agents sa Thailand, ngunit pagdating nila roon, dinala raw sila ng mga tauhan ng mafia sa Myanmar upang gawing mga scammers gamit ang tinatawag na cryptocurrency. Ang nakababahala pa, kapag bigo ang mga na-recruit na makapambiktima, hindi sila pinakakain at hindi sinisuwelduhan. Ilalako rin silang parang mga kalakal sa ibang kompanya at pagbabantaan pa ang kanilang buhay.

Binabantayan din ng Department of Migrant Workers (o DMW) ang mga katulad na kaso ng human trafficking sa Cambodia at Laos naman. Cryptocurrency scam din ang ipinagagawa sa mga Pilipinong inakalang magtatrabaho bilang mga data encoders o customer service relations na susuweldo ng ₱40,000 bawat buwan. Iyon pala, gagamitin sila sa pang-i-scam gamit ang mga online dating apps. Mangpapanggap silang ibang tao upang manloko at kumbinsihin ang kanilang biktimang mag-invest.

Agad ngang nakasabay ang mga masasamang-loob sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya, ngunit patuloy ang kanilang pananamantala sa mga kababayan nating naghahanap lamang ng trabahong inaasahan nilang magbibigay sa kanila ng maayos na buhay. Makabago na ang mga paraan ng pambibiktima ng mga human traffickers at ang krimeng nais nilang ipagawa sa ating mga kababayan. Kaya dapat ding mabilis makaangkop ang ating mga patakaran at ang mga tagapagpatupad ng batas sa teknolohiya nang hindi sila mapag-iwanan ng mga dapat habulin at papanagutin.

Hindi na bago ang human trafficking sa kuwento ng ating bayan. Marami na tayong mga kapatid—lalo na ang mga babae at bata—na dinadala sa iba’t ibang lugar upang maging mga manggagawang hindi binabayaran nang tama o kaya naman ay upang sekswal na pagsamantalahan. Kabilang sila sa 25 milyong biktima ng human trafficking sa buong mundo, ayon nga sa International Labor Organization.

At nakakabit ang krimeng ito sa kahirapan at katiwalian, mga problemang dapat ding seryosohin at tugunan. Marami ngayon ang naghahanap ng trabaho kaya ang anumang oportunidad na makita nila, kahit pa ang mga iniaalok ng mga human traffickers, ay kanilang kakagatin. Hindi rin imposibleng may mga nakikinabang sa mga iligal na gawain ng mga human traffickers kaya’t mabilis na nakalalabas ng bansa ang mga biktima. Kaya naman, hindi sapat na paalalahanan lamang ng pamahalaan ang mga kababayan nating maging maingat sa mga nagre-recruit. Dapat nitong unahan ang mga human traffickers.

Inilarawan ni Pope Francis ang human trafficking bilang “crime against humanity”. Ipinagkakait kasi nito sa mga biktima ang kanilang dignidad bilang tao dahil itinuturing lamang silang mga kasangkapan, mga bagay na maaaring ibenta at idispatsa kapag hindi na sila mapakikinabangan. Ang human trafficking ay pang-aapi din sa dukha, at ang umaapi sa mahirap, ayon nga sa Mga Kawikaan 14:31, ay humahamak sa Maykapal. Kaya sa abot ng ating makakaya, kumikilos din tayo sa Simbahan upang labanan ang human trafficking.

Mga Kapanalig, huwag sanang matulad ang isyung ito ng human trafficking sa ibang mga balitang nabaón na sa limot. Inaasahan natin ang tuluy-tuloy na pagbabantay ng ating mga mambabatas, katulad ni Senadora Hontiveros, at ng mga ahensya ng pamahalaan, lalo na ng DMW, sa pangunguna ni Secretary Toots Ople. Ang makabagong uri ng pananamantala ng mga human traffickers ay nangangailangan din ng makabagong pagtugon.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 23,597 total views

 23,597 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 197,531 total views

 197,531 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 175,164 total views

 175,164 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 238,440 total views

 238,440 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 256,502 total views

 256,502 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 23,598 total views

 23,598 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 197,532 total views

 197,532 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 175,165 total views

 175,165 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 238,441 total views

 238,441 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top