Isabatas ang National Land Use Act, panawagan ng LLSP sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,750 total views

Pahalagahan ang bawat lupang tinataniman upang matiyak na sapat ang suplay ng pagkain sa lipunan.

Ito ang mensahe ni Rodne Galicha, Executive Director ng Living Laudato Si Philippines, sa paggunita tuwing December 05 ng World Soil Day.

Kaugnay nito, iginiit ni Galicha na maisabatas na ang nakabinbing panukalang National Land Use Act.

Binigyaan-diin na mabibigyan ng karagdagang proteksyon ang mga lupang sakahan sa pagsasabatas ng nasabing panukala.

Bukod sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain ay makakatulong din ang panukalang batas na paigtingin ang pangangalaga sa mga lupang minana ng mga katutubo at pangangalaga sa kalikasan.

“Sa bawat hininga ng ating buhay, ang lupa ay napakahalaga. Mula sa mga maliliit na organismong nakapaloob, mga halama’t punong nakabaon ang mga ugat hanggang sa mga daho’t bunga, ito’y nagbibigay buhay at kabuhayan, ang pagpapanatili ng integridad at balanse sa mga natural na proseso sa lupa ang lubos na magdudulot ng kasaganaan sa kalikasan,” pahayag ni Galicha sa Radio Veritas.

Ayon sa United Nations (UN), taong 2002 ng sinimulan ng International Union of Soil Sciences (IUSS) ng Thailand ang World Soil Day, taong 2013 naman ng opisyal itong ginunita bilang pangdaidigang araw ng kamalayan ng UN- Food and Agriculture Organization.

Pangunahing layunin ng World Soil Day na isulong ang kaalaman ng bawat isa sa kahalagahan ng lupa sa buong mundo, kasabay ito ng paglikha ng mga paraan o polisiyang mangangalaga sa mga lupang taniman sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 45,467 total views

 45,467 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 68,626 total views

 68,626 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 89,900 total views

 89,900 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 258,085 total views

 258,085 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top