A call to conscience: March for justice, March for the nation!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,435 total views

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos sa taumbayan na makiisa sa mataimtim at mapayapang pagkilos na sa Trillion Peso March sa darating na Nobyembre 30, 2025.

Sa pinakabagong pahayag ng Obispo na may titulong “A Call to Conscience: March for Justice, March for the Nation” ay muling binigyang diin ni Bishop Santos ang paninindigan ng Simbahan sa gitna ng lumalalang isyu ng katiwalian at kapabayaan sa serbisyo publiko.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Bishop Santos na siya ring rector at parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage na ang tunay na layunin ng pagkilos ay hindi upang maghasik ng galit, kundi upang itaguyod ang pananagutan, katarungan, at katotohanan, na matagal nang inaasam ng sambayanan.

“We are not powerless. We are the lifeblood of this nation. We are the voice that cannot be silenced. On November 30, let us rise—not in rage, but in righteous resolve. Let our footsteps echo the truth: we will not be fooled; we will not be silenced. Those who have stolen from the people—politicians to the highest office, contractors, officials—must be held accountable.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Mariin ding tinukoy ng Obispo ang paulit-ulit na pagdurusa ng mamamayan mula sa sirang imprastraktura, ghost projects, at kulang na serbisyong pangkalusugan, hanggang sa kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang mga batayang pangangailangan ng mga ordinaryong Pilipino.

Inilarawan din ni Bishop Santos ang bigat ng epekto ng maling paggamit ng pondo ng bayan at ang kawalan ng katarungan kung saan ang mga mahirap ang agad na napaparusahan, habang ang nagnakaw sa kaban ng bayan ay nananatiling hindi napaparusahan.

“Justice itself is twisted: the poor are punished swiftly, while the corrupt feast on extravagant meals, untouched by the law. We are shortchanged. What we got were substandard roads and bridges, nothing of true value. We have suffered destruction, loss, and death, while they retreat to their mansions, travel abroad, and indulge in sumptuous banquets. Worse still, they make scapegoats of us, blaming the poor for the very poverty they perpetuate.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinikayat ni Bishop Santos ang mga Pilipino kabilang ang mga manggagawa, nagbabayad ng buwis, at mga pamilyang nagsisikap na makiisa sa martsa bilang isang pahayag ng paninindigan para sa katotohanan at kabutihang panlahat, dala ang mapayapang layunin at marangal na tinig na nananawagan ng pananagutan sa pamahalaan.

Nanawagan din si Bishop Santos na maging daan nawa ang Trillion Peso March sa Nobyembre 30, 2025 para sa pagbabalik ng konsensya ng lipunan, at para sa pagbangon ng bansang nagkakaisa para sa katarungan at kabutihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,531 total views

 12,531 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 186,465 total views

 186,465 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 164,098 total views

 164,098 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 227,840 total views

 227,840 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,723 total views

 246,723 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top