Sambayanang Pilipino, inaanyayahang makiisa sa Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,308 total views

Inaanyayahan nang Simbahang Katolika ang mga Pilipino na makiisa sa idadaos na ikalawang ‘Trillion Peso March’ sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ito ay sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na layuning ang pagkakakisa ng mga Pilipino laban sa katiwalian sa lipunan.

“Inuulit ko ang paanyaya na dumalo at makiisa sa Trillion Peso March Part 2, November 30, yan po ay kapistahan din ng apostol San Andres, at yun din ay araw ng kapanganakan ng isa pang Andres, Andres Bonifacio, ang magiting na bayani ng asawa’y taga-Kalookan si Oriang si Gregoria, kami po ay bayan ng magigiting na mga bayani, so sa November 30, pag-iisahin po natin ang isang pambansang pahayag na mapayapa makabayan at sama-sama na nananawagan para sa tapat na pamahalaan para sa wastong paggamit ng kaban ng bayan,” ayon sa mensahe ni Carinal David sa idinaos na ‘Festival of Voices for the 100th Year of the Christ the King’ sa National Shrine of Mary, Queen of Peace.

Gayundin ang paanyaya ni Clergy for Good Governance (CGG) Convenor Running Priest Father Robert Reyes sa mga Pilipino ano pa man ang kanilang relihiyon na makiisa sa pagtindig laban sa korapsyon.

Ito ay dahil kinakailangan ngayon ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pinagsama-samang paninindigan ng mga Pilipino kung saan personal ang inaasahang pagdalo ng ibat-ibang Pilipino sa ikalawang Trillion Peso March.

“Kaya mga kababayan, ano man ang relihiyon nyo, katoliko, muslim, walang relihiyon, hindi naniniwala sa Diyos pero naniniwala sa isang bansang malaya, isang bansang maunlad at masagana, isang bansang hindi hati-hati at walang hidwaan, mahirap man ito, eto ang pangarap natin dahil ang Pilipinas ay magandang bansa, mayaman na bansa, madasalin na bansa, luntian ang bansa,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Reyes.

Ang Trillion Peso March sa November 30 ay sa pangangasiwa ngayon ng Caritas Philippines katuwang ang mga religous groups at iba pang grupo na mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,986 total views

 49,986 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,855 total views

 45,855 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,057 total views

 82,057 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,693 total views

 90,693 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,792 total views

 115,792 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top