Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,147 total reads

Kapanalig, sa salitang Ingles, ang katagang “a seat at the table” ay karaniwan nating naririnig. Lalo siguro ngayong buwan ng kababaihan, mas magiging matunog ang katagang ito. Nangangahulugan kasi ito ng pagkakaroon ng boses sa lipunan. Nangangahulugan ito ng partisipasyon sa  mga decision-making processes ng lipunan. We should give all women a seat at the table. Kailangan nating masiguro ang partisipasyon ng babae sa ating lipunan.

Sa ating bansa,  mas literal ang kahulugan nito pagdating sa gender equality. Sa totoo lang, maraming mga kababaihan ang hindi man lang makaupo sa hapag-kainan ng pamilya dahil sila ang natokang magsilbi para sa lahat. Bata man o matandang babae, makikita natin na sila ang laging nakatayo, sinisigurado na nakakain ang lahat.

Kapanalig ang mga gawaing gaya nito na pwede sanang pagtulungan ng lahat ang literal na humahadlang sa partisipasyon ng mga kababaihan sa loob mismo ng kanilang tahanan. Natatali sila sa gawaing bahay at pangangalaga sa mga miyembro ng mga kabahayan kahit pa kayang kaya ng mga kaanak na gawin din ito. Kahit pa mas mapapadali ang gawain na ito kung magtutulungan ang lahat. Dahil dito, hindi na makakuha pa ng oras ang mga kababaihan na linangin ang kanilang sarili, sa pamamagitan ng training o pagsasanay o di kaya mula sa negosyo o trabaho.

Ayon nga sa UN women: from cooking and cleaning, to fetching water and firewood or taking care of children and the elderly, women carry out at least two and a half times more unpaid household and care work than men. As a result, they have less time to engage in paid labour, or work longer hours, combining paid and unpaid labour.  Ayon pa sa isang pag-aaral, negatibo ang epekto sa mental health ng mga kababaihan ang unpaid housework sa hanay ng mga nagtatrabaho. Highly gendered ang unpaid labour housework. Ibig sabihin, kahit parehong nagtatrabaho, nasa balikat pa rin ng babae ang bulko ng gawaing bahay.

Kapanalig, hindi ba’t dapat na itong mabago? Sa isang lipunang malaya, bakit ang pananaw na ang gawaing bahay ay para sa babae lamang ay patuloy na umiiral? Kapanalig, kung nais natin ng tunay na makatarungan at pantay pantay na lipunan, dapat magsimula tayo sa ating  mga tahanan. Bigyan natin ang kababaihan ng pwesto sa ating mga mesa.

Kinilala ni Pope Francis sa kanyang International Women’s day  message noong 2019 ang “Irreplaceable contribution of women in building a world that can be a home for all.” Sana ganun din ang gawin natin. Magkaiba man tayo ng kasarian, magkaiba man tayo ng pagkakakilanlan, pero kapanalig, pareho tayong may dignidad. Kilalanin naman natin ang dignidad ng kababaihan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 144,024 total reads

 144,024 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 202,190 total reads

 202,190 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 338,695 total reads

 338,695 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 450,718 total reads

 450,718 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 144,025 total reads

 144,025 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 202,191 total reads

 202,191 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 338,696 total reads

 338,696 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »
Scroll to Top