Unang Obispo ng Diocese of Catarman, sumakabilang buhay na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,257 total views

Pumanaw na sa edad na 93-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Catarman na si Bishop Emeritus Angel Tec-i Hobayan.

Ayon sa opisyal na anunsyo ni Catarman Bishop Emmanuel Trance, pumanaw ang dating Obispo ng diyosesis dakong alas-2:30 ng madaling araw ngayong ika-11 ng Marso, 2023 sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Si Bishop Hobayan ang nagsilbing kauna-unahang Obispo ng Diyosesis ng Catarman na ginugunita ngayong araw ang 48th Canonical Foundation Anniversary mula ng maitatag bilang isang ganap na diyosesis noong taong 1975.

Sa loob ng tatlong dekada ay naglingkod si Bishop Hobayan bilang pinunong pastol ng Diyosesis ng Catarman mula ng maitalagang Obispo sa diyosesis noong December 12, 1974 hanggang sa magretiro noong March 10, 2005.

“Bishop Hobayan—comforted by the Sacraments of the Church—returned to our Creator early this morning, March 11, at around 2:30 AM in the Cardinal Santos Medical Center (San Juan City, Metro Manila). Today is exactly the 48th Canonical Foundation Anniversary of the Diocese of Catarman which Bishop Angel has faithfully served being its first residential Bishop since 1975.” Ang bahagi ng anunsyo ni Catarman Bishop Emmanuel C. Trance.

Ipinag-utos naman ni Bishop Trance ang pag-aalay ng banal na misa para sa namayapang si Bishop Hobayan sa lahat ng mga Simbahan, parokya at mission centers sa buong Diyosesis ng Catarman.

Si Bishop Hobayan ay ipinanganak noong Dec. 11, 1929 sa Taft, Eastern Samar at naordinahang pari noong March 25, 1955.

Hinirang si Bishop Hobayan na kauna-unahang Obispo ng Diyosesis ng Catarman ni Pope Paul VI noong Dec. 12, 1974 bago naordinahang bilang isang ganap na Obispo noong March 5, 1975 at opisyal na itinalaga bilang Obispo ng diyosesis noong March 11, 1975 kasabay ng Canonical Foundation ng Diyosesis ng Catarman.

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,764 total views

 21,764 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,778 total views

 71,778 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,647 total views

 67,647 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,515 total views

 103,515 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,976 total views

 110,976 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top