Naulila ng mga biktima ng war on drugs, tinutulungan ng Arnold Janssen Kalinga foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,951 total views

Patuloy na pinupunan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang pangangailangan ng naulilang kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang programa, tulong at suporta ng organisasyon sa mga naiwang asawa, magulang at mga anak ng mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa.

Isa sa mga pangunahing programa sa ilalim ng Program Paghilom ay ang pagkakaloob ng legal assistance para sa mga kaanak na nagnanais na mabigyang katarungan ang sinapit na karahasan ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa organisasyon na pinangangasiwaan ni St. Arnold Janssen Kalinga Center Founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD batid ng Simbahan ang hindi madaling proseso ng legal na pagdodokumento at pagsasampa ng kaso lalo na ng mga pamilya na walang sapat na kakayahan at kaalaman sa legal na proseso ng batas.

“What often stands in the way of justice? In many cases, it’s the unavoidable burden of paper work & legal documentation.” Pagbabahagi ng AJ Kalinga.

Katuwang ang legal advocacy partner ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na IDEALS, Inc. ay 10-kaanak ng mga biktima ng EJK mula sa Batch 17 ng Project Paghilom ang nakapaghain ng kanilang mga sinumpaang salaysay noong ika-4 ng Marso, 2023 kung paano napaslang ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng madugong War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Last Saturday, March 4, our legal advocacy partner, IDEALS, Inc., helped 10 EJK mothers & widows of #ProgramPaghilom Batch 17 file their sworn statements regarding the events & circumstances surrounding how they lost a a family member in the Duterte administration’s bloody drug war. With the help of our partners, our Paghilom families stand a chance.” Dagdag pa ng AJ Kalinga.

Taong 2016 ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa marahas na War on Drugs ng administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,771 total views

 21,771 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,785 total views

 71,785 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,654 total views

 67,654 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,522 total views

 103,522 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,983 total views

 110,983 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top