Pagkilala ng National Museum of the Philippines sa Immaculate Conception cathedral, itinuring na biyaya ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,638 total reads

Itinuturing na isang biyaya ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan ang pagkilala ng National Museum of the Philippines sa Immaculate Conception Cathedral ng bikaryato bilang ‘Important Cultural Property’.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, ang deklarasyon ng National Museum of the Philippines ay isang pambihirang pagkilala sa kagandahan, kahalagahan at mayamang kasaysayan na tinataglay ng katedral hindi lamang sa bahagi ng Simbahan at ng pananampalatayang Katoliko kundi maging sa kasaysayan ng Puerto Princesa, Palawan.

Pagbabahagi ng Obispo, patunay sa pambihirang kagandahan at mayamang kasaysayan ng Immaculate Conception Cathedral ay ang aktibong pagdalaw ng mga turista maging sa Simbahan bukod pa sa mga magagandang likas na yaman na matatagpuan sa Puerto Princesa, Palawan.

“Ang pagkilala ng Immaculate Conception Cathedral ng Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa na isang ‘Important Cultural Property’ o ICP ay desisyon ng National Museum of the Philippines at ito’y ipinaalam na lang sa amin. Isang magandang development ito dahil opisyal kinikilala ang kagandahan at kahalagahan ng aming katedral. Hindi lamang makilala ngayon ang Puerto Princesa sa kagandahan ng kanyang karagatan at ng underground river kundi pati na din ang aming katedral. Katunayan isa ito sa mga pinupuntahan ng mga turistang na namamasyal sa aming lalawigan.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Bishop Mesiona at Palawan Governor Victorino Dennis Socrates ang payak na pagsasagawa ng unveiling ng marker ng National Museum of the Philippines sa Immaculate Conception Cathedral bilang isa sa Important Cultural Property (ICP) sa bansa.

Ideklara ng National Museum of the Philippines ang Immaculate Conception Cathedral ng Puerto Princesa, Palawan bilang isa sa Important Cultural Property (ICP) o Mahalagang Yamang Pangkalinangan noong Ika-27 ng Hunyo, 2019.

Ang titulo ng Important Cultural Property (ICP) ay iginagawad sa mga ari-arian o istruktura na may malaking ambag at kinalaman sa makasaysayang kultura at artistiko sa bansa.

Bukod sa Immaculate Conception Cathedral ng Puerto Princesa, Palawan may mahigit pa sa 40 mga lugar sa bansa ang idineklara ng National Museum of the Philippines bilang National Cultural Treasures (NCT) at Important Cultural Property (ICP).

Ang National Cultural Heritage Act of 2009 na hango sa Batas Republika Bilang 1-0-0-6-6 ay tumutukoy sa mga istruktura at iba pang lugar sa bansa na nagtataglay ng mayamang kultura, sining at pang-agham na mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

 

UNDAS 2026, generally peaceful

 24,160 total reads

 24,160 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 43,416 total reads

 43,416 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 93,168 total reads

 93,168 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 252,362 total reads

 252,362 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 279,522 total reads

 279,522 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 311,902 total reads

 311,902 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 24,161 total reads

 24,161 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top