VeritasPH

The Word, The Truth

Abot-kayang pagkain, Hindi armas

SHARE THE TRUTH

 162 total views

Mga Kapanalig, ngayong pumalo na sa 6.4% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin—ang pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon—mukhang matinding paghihigpit pa ng sinturon ang kailangan nating gawin, lalo na ng mahihirap at mga manggagawang mababa ang naiuuwing sahod o kaya nama’y mawawalan ng trabaho bukas-makalawa.

Gayunman, patuloy na iniiwasan ng Administrasyong Duterte na kaharapin ang matatawag na nga nating “krisis” sa pagkain. Sinasabi ng kanyang mga Economic Managers na ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin ay masakit ngunit hindi maiiwasang bahagi ng pag-unlad. Lilipas din daw ito. Ang kalihim naman ng Department of Agriculture, pilit tayong kinukumbinsing ligtas isaing at kainin ang bigas na may bukbok. Maging si Pangulong Duterte, itinangging may kakulangan tayo sa murang bigas—kailan kaya siya huling nakabisita sa mga palengke at tindahan ng bigas?

Dahil kumbinsido ang administrasyong Duterte na wala tayong problema sa bigas at sa presyo ng mga pangunahing bilihin, inuna ni Pangulong Duterte, kasama ng napakarami taga-gobyerno, ang pagpunta sa Israel nitong nakaraang linggo. Binisita niya ang mga OFWs roon. Kumausap siya ng ilang mamumuhunan, at pinag-usapan kasama ng mga lider ng Israel ang tungkol sa pagbili ng bagong mga armas. Wala naman tayong nakikitang problema sa pagkumusta ni Pangulong Duterte sa mga OFWs, na talaga namang sinusuportahan siya. Kung matuloy naman ang mga business deals na nilagdaan ni Pangulong Duterte sa Israel, inaasahang makatutulong ito sa ekonomiya.

Ngunit ang bumili ng bagong armas? Para saan kaya? Katwiran ng pangulo, mas mainam daw bumili ng armas at military equipment sa Israel dahil wala raw itong ipinapataw na mga restrictions, hindi tulad ng Amerika at Germany na nagbebenta ng armas sa mga bansang pinamumunuan ng mga lider na kumikilala sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Noong 2017, umabot sa 21 milyong dolyar o mahigit isang bilyong piso ang halaga ng radar at anti-tank equipment na binili natin sa Israel. Israel din ang nag-supply ng armas na ginamit ng Myanmar upang palayasin ang mga Rohingya, ang Muslim minority sa bansang iyon. Inihahanay talaga tayo ni Pangulong Duterte sa mga bansang malulupit sa kanilang mamamayan.

Sa kalagayan natin ngayon, mga Kapanalig, malinaw na hindi armas ang kailangan natin. Hindi malalamnan ng mga ito ang kumakalam na sikmura ng mga nagugutom nating kababayan. Hindi mabibigyan ng mga ito ng trabaho ang milyun-milyong Pilipinong walang hanapbuhay. Hindi nito masusolusyonan ang problema natin sa kahirapan. Pagkain at abot-kayang bilihin ang kailangan natin, hindi armas, hindi dahas.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang estado ay isang instrumento sa pagtataguyod ng dignidad ng tao, sa pangangalaga sa mga karapatang pantao, at sa pagtitiyak ng kabutihang panlahat o common good. Gamit ang mga ito bilang batayan ng ating pagsusuri sa kaso ng pagbili ng armas sa Israel sa gitna ng pag-aray ng mga Pilipino sa nagtataasang presyo ng mga bilihin, malinaw na ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay kung paano masasawata ang mga negosyanteng nagsasamantala sa mataas na halaga ng mga bilihin. Dapat din nitong tiyaking may sapat na supply tayo ng bigas na ligtas kainin. Dapat ding pabilisin ang pagtatayo ng mahahalagang imprastraktura upang makarating ang pagkain sa mga pamilihan at maiwasan ang kakulangan.

Mga Kapanalig, hindi natin sinasabing dapat isantabi ng pamahalaan ang seguridad ng mga Pilipino lalo pa’t hindi nawawala ang banta ng terorismo at karahasan. Ngunit hindi naman malabis hilingin sa pamahalaang linawin ang mga prayoridad nito, lalo pa’t pera ng bayan ang gagamitin sa pagbili ng mga armas. Tunay na naitataguyod ng pamahalaan ang dignidad ng mga Pilipino at ang kabutihan ng lahat kung may pagkain sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,032 total views

 7,032 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,017 total views

 15,017 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,553 total views

 22,553 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,539 total views

 38,539 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,583 total views

 46,583 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 7,033 total views

 7,033 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 15,018 total views

 15,018 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 22,554 total views

 22,554 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 38,540 total views

 38,540 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 46,584 total views

 46,584 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,615 total views

 45,615 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,040 total views

 44,040 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,826 total views

 45,826 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,751 total views

 42,751 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,065 total views

 57,065 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,755 total views

 60,755 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,358 total views

 59,358 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,345 total views

 69,345 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,313 total views

 73,313 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,200 total views

 84,200 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top