Bisitahin ang Our Lady of Penafrancia sa St.Joseph Parish Tondo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Nagpamalas ng labis na kagalakan ang mga mananampalataya sa St. Joseph Parish, Gagalangin, Tondo sa pagbisita ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia na nagsimula noong ika-5 ng Septyembre.

Sa banal na misang pinangunahan ni Father Joey Tuazon – Kura Paroko ng St. Joseph Parish, hinimok nito ang mga mananampalataya na tularan ang kababaang loob ng mahal na Ina, at ang kahandaan nitong tumalima sa utos ng Panginoon.

Sinabi ng Pari na si Maria ang pinaka dakilang Ehemplo ng pagiging bukas sa mga iniuutos ng Diyos bagamat hindi lubos na nauunawaan ang ibinalita sa kanya ng anghel ay buong puso nitong inialay ang sarili sa kalooban ng Panginoon.

“Ephphatha be open. Napakahalaga ng pagiging bukas at ang ating mahal na Ina ang Ehemplo ng pagiging bukas. Hindi lamang bukas ang kanyang tainga kundi bukas ang kanyang puso at buong pagkatao, sapagkat nang kanyang marinig ang pagbati ng Anghel sa kanya, Even if she does not completely understand that time, ang ating mahal na ina ay tumugon,” Homiliya ni Father Tuazon.

Dahil dito umaaasa si Father Tuazon na tulad sa ebanghelyo kung saan binuksan ni Hesus ang pandinig ng isang bingi na maging bukas din ang puso ng mga mananampalataya upang marinig ang kalooban ng Diyos.

Samantala, inaanyayahan din ni Father Tuazon ang mga mananampalataya na dumalo sa iba pang programa ng Parokya para sa pananatili ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa St. Joseph Parish.

Ngayong ika-10 ng Septyembre alas syete y medya ng gabi ay magkakaroon ng Film Showing sa Parokya na pinamagatang “Ikaw ang Pag-ibig”.

Sa ika-11 naman ng buwan ay idadaos ang isang Healing mass – alas sais y medya ng gabi – kasunod ang Manto imposition ng Our Lady of Peñafrancia.

Sa ika-12 naman ng Septyembre ay gaganapin ang huling Misa para sa mahal na birhen kasunod ang banal na prusisyon simula alas sais y medya ng gabi.

Matapos ito, sa ika-13 ng Septyembre ay ibabalik na ang Pilgrim Image ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 7,150 total reads

 7,150 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 13,044 total reads

 13,044 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 128,822 total reads

 128,822 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 249,402 total reads

 249,402 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 299,012 total reads

 299,012 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 42,970 total reads

 42,970 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 72,519 total reads

 72,519 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 65,363 total reads

 65,363 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top