ACSP, nakibahagi sa ICRPPS sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,170 total views

Nakibahagi ang mga opisyal ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines o ACSP sa ikalawang International Conference for Rectors and Pastoral Personnel of Shrines sa Vatican.

Pinangunahan ni Fr. Reynante Tolentino ang kasalukuyang Rector ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral at pangulo ng ACSP ang delegasyon ng Pilipinas para makiisa sa mahalagang pagtitipon.

Kabilang din si Fr. Tolentino sa magbahagi ng mga karanasan hinggil sa Antipolo Shrine kung saan sinabi nitong ito ang pagkakataon upang higit pang maipakilala sa buong mundo ang debosyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

“Ito ang magandang pagkakataong mas maibabahagi ang Mahal na Birhen ng Antipolo sa buong mundo, ang malagong debosyon at makainang pagkalinga nito sa mamamayan,” pahayag ni Fr. Tolentino sa Radio Veritas.

Tema sa pagtitipon sa Vatican ang ‘The Shrine: A House of Prayer’ na sinimulan noong November 9 at magtatapos nitong November 11 kung saan kasabay din nito ang paghahanda sa nalalapit na Jubilee Year ng simbahang katolika sa 2025.

Unang inilusand ang pagtitipon ng mga shrine rectors noong 2018 sa inisyatibo ng Dicastery for Evangelization kung saan isa sa katuwang ni Pope Francis sa pangangasiwa ng tanggapan ay si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

Samantala sa January 26, 2024 pormal nang itatalaga ang Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas, ikatlo sa Asya at pang – 11 sa buong mundo.

Batay sa kasaysayan January 14, 1954 nang ideklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang dambana bilang National Shrine kung saan dinadayo ito ng milyong milyong deboto sa bansa lalo na ang Penitential Walk mula Quiapo Church matapos ang “Pagdalaw ng Ina sa Anak” tuwing April 30 bago magsimula ang pilgrimage season mula unang Martes ng Mayo hanggang sa unang Martes ng Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 24,163 total views

 24,163 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 41,963 total views

 41,963 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 41,963 total views

 41,963 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 154,927 total views

 154,927 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 175,451 total views

 175,451 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 4,298 total views

 4,298 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top