8,774 total views
Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang Franciso.
Inalala at nagpasalamat naman si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa yumaong Santo Papa na nagsulong ng tunay na pagkakaisa, pagkakapatiran at kababawang loob sa lipunan.
Tinukoy ng AFP Chief of Staff ang pagsusulong ni Pope Francis ng Katarungang Panlipunan na lubhang napabuti at nabigyan ng boses ang mga mahihirap at pinakanangangailangan sa lipunan.
“Pope Francis changed the Catholic Church with his emphasis on humility, inclusivity, and compassion. He led with a focus on social justice, advocating for the poor, the marginalized, and those in need, Beyond our grief, we honor and remember a leader whose example continues to inspire us to do better, live with purpose, and embrace empathy in our everyday actions,” ayon sa mensahe ni General Brawner na ipinadala ng AFP sa Radio Veritas.
Mensahe pa ni Brawner ang patuloy na pagsunod at pagsasabuhay sa mga nasimulang adhikain ng Santo Papa na nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng Mundo.
“General Brawner and the entire AFP extend our heartfelt condolences and stand in solidarity with all who mourn and share in this moment of reflection,” ayon sa mensahe ni General Brawner na ipinadala ng AFP sa Radio Veritas.
Noong 2015 Papal Visit sa Pilipinas, sinuportahan ng 12-libong hanay ng AFP ang 37,000 puwersa ng Philippine National Police upang tiyakin ang kaligtasan ni Pope Francis higit na ng mga mananampalatayang dumalo sa naging pagbisita nito sa Pilipinas.