Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Adbokasiya ni Pope Francis sa kapayapaan at brotherhood, kinilala ng Bangsamoro government

SHARE THE TRUTH

 11,113 total views

Kinilala ng Bangsamoro Government ang masidhing adbokasiya ng namayapang si Pope Francis na maisulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

Sa mensahe ng pakikiisa ni Bangsamoro Government Chief Minister Abdulraof A Macacua sa pagluluksa ng mga Katoliko sa rehiyon ay binigyang pagkilala ng opisyal ang pambihirang pagsusumikap ng yumaong Santo Papa na maisulong ang pagkakaroon ng kapayapaan, katarungan at pagkakaisa sa lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya at paniniwala ng lahat.

“We in the Bangsamoro Government, extend our deepest condolences to the Catholic Church, our Catholic residents in the region, and to all who mourn the loss of Pope Francis. The news of his passing brings profound sadness as Pope Francis was a beacon of hope and a tireless advocate for peace, justice, and interfaith dialogue. Testament to this were his persistent and heartfelt appeals for peace in the Middle East, especially in the face of atrocities in Palestine.” Bahagi ng pahayag ng Bangsamoro Government.

Ayon kay Macacua, kaisa ng mga Katoliko sa rehiyon ang Bangsamoro Government sa pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025 – isang araw makalipas ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Partikular na kinilala ni Macacua ang tuwinang panawagan ni Pope Francis na mawakasan na ang armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa kabilang na sa Gitnang Silangan at sa Palestina.

“He was a source of moral clarity as he continuously urged world leaders to depart from war and instead seek peaceful resolutions. These were not mere pronouncements, but a call to action and a reminder of our shared humanity. In this time of mourning, we stand in solidarity with our Christian brothers and sisters, and we reaffirm our commitment to fostering a society where peace and mutual respect are the cornerstones of our existence.” Dagdag pa ng Bangsamoro Government.

Pumanaw sa edad na 88-taong gulang ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

Matatandaang 38-araw na nanatili si Pope Francis sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma matapos na maospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025 dahil sa bronchitis na kalaunan ay natukoy bilang bilateral pneumonia.

Sa pagamutan na rin ginunita ni Pope Francis ang kanyang ika-12 taong anibersaryo ng pagiging Santo Papa.
Kabilang sa mariing isinusulong ni Pope Francis ang pagiging ganap ng Simbahang Sinodal ng buong Simbahang Katolika o ang pagiging bukas para sa lahat.(

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 7,466 total views

 7,466 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 19,914 total views

 19,914 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 55,088 total views

 55,088 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 62,412 total views

 62,412 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 63,076 total views

 63,076 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top