Mga Pilipino, inaanyayahan ng Papal Nuncio sa signing of the Book of Condolences

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,107 total reads

Inaanyayahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga Pilipino sa signing of the Book of Condolences bilang pakikiramay sa pagpanaw ni Pope Francis.

Isasagawa ito sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue Malate Manila sa April 29, 2025 (Martes) sa ikaapat na araw ng Novendiali ng santo papa mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi.

Batid ni Archbishop Brown ang pagmamahal ng mga Pilipino sa yumaong santo papa lalo nang maospital ito noong February 14 hanggang makauwi sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta makalipas ang mahigit isang buwang pananatili sa pagamutan.

“I want to thank you, the Filipino people, especially when I asked everyone to pray for Pope Francis. You responded with great generosity and love for Lolo Kiko. Let us continue to pray for him and for his eternal repose,” ayon kay Archbishop Brown.

Matatandaang September 28, 2020 nang italaga ni Pope Francis si Archbishop Brown bilang kinatawan sa Pilipinas at dumating sa bansa bago mag Disyembre ng parehong taon.
Sa limang taong paglilingkod sa Pilipinas nasaksihan ng nuncio ang maalab na pananampalataya ng mga Pilipino at ang pagmamahal kay Pope Francis lalo na noong dumalaw ito sa Pilipinas noong January 2015 upang makapiling ang mga biktima ng Super typhoon Yolanda sa Visayas region.

Tinuran din nito ang closing mass ng santo papa sa Quirino Grandstand kung saan humigit kumulang sa pitong milyon ang dumalo kung kaya’t tinagurian itong ‘largest papal audience’ sa kasaysayan.
April 21, Easter Monday, nang pumanaw ang 88 taong gulang na santo papa dahil sa stroke at irreversible cardiocirculatory collapse sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta.
Itinakda naman ng Vatican ang paglilibing kay Pope Francis sa April 26 kung saan pangungunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean ng College of Cardinals ang banal na misa sa alas 10 ng umaga oras sa Roma o alas kuwatro ng hapon sa Pilipinas sa St. Peter’s Basilica.

Ihihimlay naman ang labi ng santo papa sa St. Mary Major Basilica sa Esquiline Hill o sa labas ng Vatican ayon na rin sa isinasaad sa kanyang spiritual testament na isang payak na libingan lamang.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 25,848 total reads

 25,848 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 13,073 total reads

 13,073 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 50,177 total reads

 50,177 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 151,999 total reads

 151,999 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 192,558 total reads

 192,558 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 212,622 total reads

 212,622 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top