Aktibong pakikibahagi ng kabataan sa usaping panlipunan, isusulong ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,103 total reads

Ang aktibo at matalinong pakikibahagi ng mga kabataan sa nakatakdang May 2019 Midterm Elections ay isa sa inaasahang maisulong ng Simbahan Katolika kasabay ng paggunita ng Year of the Youth.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Conegundo Garganta, bahagi ng layunin sa paggunita ng Taon ng mga Kabataan ay ang mahimok ang bawat isa na makibahagi sa mga usaping panlipunan tulad na lamang sa nakatakdang halalan.

Pagbabahagi ng Pari, bahagi ng naturang layunin ng Simbahan ay mabigyan ng sapat na kakayahan at kaalaman ang mga kabataan sa pagpili at pagsusuri sa mga kandidatong karapat-dapat ihalal bilang mga opisyal ng bayan.

Ipinaliwanag ni Father Garganta na ang paghubog sa mga kabataan bilang misyunero na katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos ang pangunahing layunin ng paggunita ng Year of the Youth.

“Isang malaking trust din sa mga kabataan is to be able to engage sa election for 2019 in terms of receiving formation how to cast their votes and then the criteria for selecting a candidate that they will vote for, so ito yung mga we look forward that our young people will be engage to na dadalhin nila yan until 2021 since the trust is for us to be able to form our young people to become missionaries…” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang umapela ng panalangin at suporta ang CBCP – Episcopal Commission on Youth para sa pagganap ng mga kabataang Filipino sa kanilang tungkulin na ipamalas ang kakayahan upang makatulong sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at pag-unlad ng lipunan.

Sa tala ng Commission on Elections (COMELEC), 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan na nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

Nasasaad naman sa Comelec Resolution No. 10418 na 18,081 ang mga posisyon na pupunuan ng nakatakdang May 2019 Midterm Elections kabilang na ang 12 senador, 59 na party-list representatives kasama na ang mga posisyon ng mga lider sa lokal na pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,922 total reads

 51,922 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,343 total reads

 101,343 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,214 total reads

 149,214 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,162 total reads

 253,162 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,699 total reads

 336,699 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top