Taumbayan, hinimok na manindigan para buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total reads

Umaapela ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na makiisa sa isasagawang simultaneous Walk For Life, o sabay-sabay na paglalakad para sa pagtataguyod ng buhay na isasagawa sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas.

Binigyang diin ng mga Obispo ang kahalagahan ng pakikiisa sa Walk for Life upang maipabatid sa pamahalaan na maraming Filipino ang patuloy na naninindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Ayon kay Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco, marami sa kasalukuyan ang nagiging biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan kaya mahalagang mayroong manindigan upang ipaglaban ang karapatan sa buhay ng bawat tao.

“Kailangan lagi natin ipagtanggol ang buhay ng tao ang kanyang dignidad, marami ang biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan, [kaya dapat] ipagtanggol ang buhay mula sa sinapupunan hanggang kamatayan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.

Binigyang diin naman ni Archdiocese of Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na tungkuling iniatas sa bawat tao ang pangangalaga sa buhay.

Sinabi ng Arsobispo na ito’y biyayang ipinagkaloob ng Diyos na nararapat na protektahan at itaguyod ng mga tao.

“We are here because God has given us life and because God has given us this life, it is our duty to protect it.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Naniniwala naman si Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista na sa pamamagitan ng Walk for Life ay maipakikita ang paninindigan ng simbahan at ng bawat tao para sa biyaya ng buhay mula sa sinapupunan hanggang sa pagtatapos sa natural na kamatayan.

“Ating ipagtanggol ang buhay at ating pangalagaan ang buhay mula sa sinapupunan hanggang sa ang buong sambayanan ay maitaguyod ito.” Mensahe ni Bishop Evangelista.

Ang Walk For Life 2019 ang ikatlong taon ng pagsasagawa ng naturang pagtitipon sa pangunguna ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Sa inisyal na pagtataya umabot na sa 4,390 ang mga kumpirmadong lalahok dito subalit inaasahang aabot sa 10,000 ang mananampalatayang dadalo sa mismong araw ng pagtitipon.

Sa Metro Manila, isasagawa ang Walk for Life sa Quezon Memorial Circle na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa Northern Luzon ay kasabay na magsasagawa nito ang Archdiocese of Lingayen, Dagupan sa St. John the Evangelist Cathedral, at ang Diocese of Tarlac sa Tarlac City Plazuela.

Ang mga mananampalataya naman ng Archdiocese of Cebu ay magtitipon-tipon sa Fuente Osmeña Circle patungo sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Isasagawa naman sa tatlong lugar ng Palo Metropolitan Cathedral, Ormoc City at Palompon Leyte, ang Walk for Life sa Archdiocese of Palo.

Samantala, sa bahagi ng Mindanao, ay pangungunahan ng Archdiocese of Cagayan De Oro ang pagtitipon ng mga mananampalataya sa Provincial Capitol Grounds, Cagayan De Oro City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 213,592 total reads

 213,592 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,265 total reads

 248,265 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,165 total reads

 264,165 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 300,655 total reads

 300,655 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 306,577 total reads

 306,577 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 384,497 total reads

 384,497 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top