PPCRV sa mga botante, matuto sa pagkakamali

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nananawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga kandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon kay Johnny Cardenas, National Vice Chairman ng PPCRV for internal affairs, ito ay upang hindi magsisihan sa oras na maluklok sa puwesto ang hindi naayong kandidato.

“Ngayong halalan ay maging matalino, lalu na sa mga nagbebenta ng kanilang boto. Sana ay madala, ngayon ay maging masinop ang pagpili ng kandidato,” ayon kay Cardenas sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Umaasa si Cardenas na madala na ang mga nagbibenta ng boto sa halip ay maging masinop sa pagpili ng mga iboboto.

“Iisa lang po ang ating boto at sa panahon ng halalan tayo ay nagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan, mahirap-mayaman. Iisa ang ating boto at dapat tingnan na sagrado. At sana ay gamitin dahil ito lang ang pagkakataon na maryoon kang kakayanan na pumantay sa iba. Yang karapatang yan ay hindi mo dapat basta binibitiwan… bago isulat o markahan ang balota. Pinag-isipan muna, ‘One good vote!,” ayon pa kay Cardenas.

Boto ng Kabataan

Naniniwala din si Cardenas na malaki ang bahagi ng kabataan tungo sa pagbabago ngayong darating na eleksyon.

Ayon kay Cardenas, ang kabataan ay isa sa malaking bahagi ng mga botante kaya’t mahalaga ang kanilang boto.

Sa tala ng Commission on Elections (COMELEC), mula sa 60 milyong registered voters may 20 milyon sa mga botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

“Hinihimok naming sektor ng lipunan, itong mga kabataan sapagkat sila ang may pinakamaraming bahagi ng mga botante. Magagaling ang mga ‘yan sa mga ‘gadgets’. Ngayon madali nang kilatisin ang mga kandidato, pumunta lang sa ‘You Tube’ tingnan ang isinagawang debate ‘wag lang titingin sa mga advertisement at mga campaign ads,” dagdag pa ni Cardenas.

Nanawagan ang PPCRV sa mga botante na huwag lamang tingnan ang mga kandidato sa kanilang political ads kundi suriin ang pakikibahagi ng mga pulitiko sa mga ginaganap na debate.

Ngayong May 2019 elections may 18 libo ang mga pupunan na posisyon, kabilang na ang 12 senador, 59 na party-list representatives at mga posisyon sa lokal na pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 55,195 total reads

 55,195 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 104,447 total reads

 104,447 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 152,318 total reads

 152,318 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 256,267 total reads

 256,267 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 339,586 total reads

 339,586 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top