Alisin ang pagiging makasarili, Cardinal Tagle sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total views

Hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na tularan si San Antonio De Padua sa pagbabahagi nito ng mga biyaya ng Panginoon sa kapwa.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang-diin nito na ang bawat tao ay may taglay na natatanging biyayang nagmula sa Panginoon.

Naniniwala si Cardinal Tagle na kung pagsasama-samahin ng buong komunidad ang bawat biyayang ito ng Diyos ay mas mapatatatag ang lipunan.

Binigyan diin ng Kardinal na ang pinaka-mahalagang kaloob ng Panginoon na taglayin ng bawat tao ay ang pag-big sa Diyos at sa kapwa.

Ipinaliwanag ng kanyang Kabunyian na anumang talento, katalinuhan o biyayang ipagkaloob ng Panginoon sa tao ay hindi magbubunga ng kabutihan kung hindi namamayani ang pag-ibig.

Only in love will the different gifts will work together for the common good.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Inihayag ng Kardinal na kinakailangan ding kasama ng pag-ibig ay ang misyon ng bawat mananampalataya para sa ikabubuti ng nakararami.

Binigyang diin nito na ang mga talentong ipinagkakaloob ng Diyos ay hindi dapat gamitin para sa pansariling kapakanan bagkus sa pagtulong sa kapwa.

Iginiit ni Cardinal Tagle na masasayang lamang ang mga biyayang ipinagkakaloob sa tao, kung magagamit ito sa kasamaan at hindi sa tunay na misyon ng bawat mananampalataya na ipalaganap ang mabuting salita ng Diyos.

The gift will be there generously given by God, but we can waste the gift if not used for the good of the people and that’s how mission is important. The gifts given to us by God are not for personal consumption. All the gifts, they are given to us for a mission, which is to make Jesus known to strengthen brothers and sisters, and to strengthen the community. Without the sense of mission, the gifts will be wasted.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Kahapon ipinagdiwang ng simbahan ang kapistahan ni San Antonio de Padua na tinaguriang “Doctor of the Church” at patron ng mga nawawalang bagay.

Nakilala ang Santo sa kaniyang husay sa pangangaral ng salita ng Diyos at sa malalim nitong pagmamahal sa mga mahihirap at may sakit.

Dahil dito, umaasa si Cardinal Tagle na matutularan ng bawat mananampalataya ang mabubuting gawain ni San Antonio De Padua, at ang bawat isa ay makapagbibigay ng tulong sa pinaka mahihirap at sa mga nakalilimutan na ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 225,474 total views

 225,474 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 255,697 total views

 255,697 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 282,341 total views

 282,341 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 377,314 total views

 377,314 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 383,771 total views

 383,771 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,091 total views

 347,091 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top