Alisin sa puso ang inggit at poot-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total views

Hinamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na paghariin sa kanilang buhay ang pag-ibig.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle sa banal na misa para sa commissioning of the Association of St. John Marie Vianney (ASJMV), sinabi nito na ang daan ng buhay ng tao ay ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Sinabi ni Cardinal Tagle na para makamit ito ay kinakailangang mamatay ang isang tao sa kaniyang sarili.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle naang pagkamatay sa sarili, ay ang paglimot sa mga pansariling pangangailangan at pagtalima sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.

Inihayag ng Kardinal na kung ito ay nagawa ng bawat tao ay mamamayani ang pag-ibig sa lipunan at makakamit ng bawat isa ang tunay na buhay na inaasam ng mga tao.

“Kapag wala ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa hindi ka tunay na buhay. Ano lang yan, parang huwad na buhay, sa bandang huli ang buhay natin ay natatagpuan sa pag-ibig at kung ikaw ay umiibig buhay na buhay ka, kapag ikaw ay nagmamahal, ikaw rin handang mamatay… Ang tunay na nagmamahal, hindi sarili ang inuuna, mamamatay ka sa sarili, mamahalin mo ng buo ang Diyos at ang kapwa pero kung kelan ka namatay sa sarili, doon ka buhay na buhay. Kaya ang daan ng buhay ay pag-ibig.” Bahagi ng Homiliya ni Cardinal Tagle

Paalala ng Kardinal na upang mapanatili ang pag-ibig at matiwasay na buhay ay hindi dapat bigyan ng puwang sa puso ng tao ang inggit, poot at paghihiganti.

Umaasa din ito, na sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng tao sa pag-ibig ay matitigil na ang masasamang gawain na kumikitil sa buhay ng tao at sumisira sa isang mapayapang lipunan.

“Kapag binigyan natin ng puwang ang poot, ang paghihiganti, ang galit, lahat ng yan at pinalago yan sa halip na pag-ibig ang palaguin, wala, hindi tayo mabubuhay ng matiwasay, at kung tayo po ay mag uutos sa iba, sana laging utos ng pag-ibig, upang pag ginawa nila, ‘yon ay magtataguyod ng buhay. At sana itigil na sa ating lipunan, itigil na sa ating mga kapitbahayan at ating barangay at kalye yong mga utos na hindi naman galing sa pag-ibig, kasi ‘yan ang mga utos ng pagpatay.” Pahayag ng Cardinal.

Dagdag pa ni Cardinal Tagle, nawa ay masalamin sa mga kasapi ng Association of St. John Marie Vianney, ang laki at tayog ng pag-ibig na ipinamalas ng Santo sa kan’yang paglilingkod sa simbahan.

Naniniwala ang Cardinal na kung ito ang makikita sa buhay ng bawat miyemro ng ASJMV, ay mas makahihikayat pa ito ng maraming kabataan upang maglingkod sa simbahan.

Aniya, sa paglilingkod ng mga kabataan sa simbahan ay lalo silang magagabayan ng mga nakatatanda sa kanilang paghahanap sa bokasyong nais ng Diyos para sa bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 36,165 total views

 36,165 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 110,779 total views

 110,779 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 190,858 total views

 190,858 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 233,997 total views

 233,997 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 232,919 total views

 232,919 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,968 total views

 347,968 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top