Cardinal Tagle, pinangunahan ang conference on mental illness

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Mahalagang alamin ng isang indibidwal ang pinagdadaanan ng kapwa upang matulungang lutasin ang mga suliraning kinakaharap.

Ito ang inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang talumpati sa pagbukas ng Conference on Mental Health na ginanap sa San Carlos Seminary Makati City.

Ayon sa Cardinal, mahalagang mauunawaan ng bawat isa ang iba’t ibang karanasan ng kapwa na nakararanas ng suliraning pangkaisipan tulad ng depresyon.

“Going to the experience of the one who suffers mental illness for us to understand,” bahagi ng talumpati ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng Kaniyang Kabunyian ang kahalagahan na mahubog ang ispirituwalidad na pamumuhay ng isang tao upang mapalapit sa Panginoon at mapalawak ang pag-iisip at pag-uunawa ng tao sa bawat sitwasyon ng buhay.

Labis na ikinabahala ng Simbahan sa Pilipinas ang tumataas na kaso ng pagpapakamatay dahil sa mental illness na batay sa ulat ng Department of Health isa sa bawat limang Filipino ang nakararanas dito at nangunguna sa mga sanhi ng depresyon, schizophrenia, at labis na pagkabalisa.

Dahil dito, hamon ni Cardinal Tagle sa mga dumalo kung paano makatutugon ang Kristiyanong komunidad sa usapin ng mental illness at kung gaano kalawak ang pagkaunawa ng mga mananampalataya dito.

Layunin ng Conference on Mental Health na may temang “Ang Tahanang Gumuho sa Karimlan: Ang Pag-ukit ng Panibagong Tahanang Pinapangarap” na mapalakas ang pagtugon ng Simbahang Katolika sa suliranin ng mental health lalo na sa mga kabataan at makapagbalangkas ng mga wastong programang kakalinga sa mga mananampalatayang nakararanas ng mental illness lalo na ang mga naulilang biktima ng war against drugs ng pamahalaan.

Ika 21 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte Mental Health Law kung saan napapaloob dito ang abot kayang halaga ng mental health services sa bawat Filipino.

Ang Mental Health coference na isinagawa dito sa San Carlos Seminary Makati City ay inorganisa ng Office of the Promotion of the New Evangelization ng Arkidiyosesis ng Maynila katuwang Quiapo Church at ilang grupo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,105 total reads

 56,105 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,307 total reads

 105,307 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,179 total reads

 153,179 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,127 total reads

 257,127 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,391 total reads

 340,391 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top