Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

AMRSP nakiisa sa Day of Prayer, Fasting and Charity

SHARE THE TRUTH

 315 total views

May 15, 2020-7:22am

Nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na Day of Prayer, Fasting and Charity.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM, mahalaga ang pananalangin at pagkakaisa ng lahat sa gitna ng krisis na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019 na hindi lamang nakakaapekto sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Paliwanag ng Pari, sa panahong dumadanas ang bawat isa ng kawalang katiyakan, takot at pangamba dulot ng nakahahawa at nakamamatay na sakit ay mahalaga ang patuloy na pananalig sa Diyos at sa pagtutulungan ng lahat ng walang pagtatangi.

“Well sa amin kasama ng lahat ng kongregasyon na bumubuo ng AMRSP sinusuportahan natin yung panawagan ng Santo Papa sapagkat itong panahon ng krisis ng COVID-19 ay hindi ito pagkakanya-kanya ito ay isang karanasan na dapat hindi natin tinatangi kung sino yung dapat nating kilalanin at tulungan…” pahayag ni Fr. Cortez, OFM sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Pari, lalo’t higit ngayong panahon na may banta ng pandemya ay mahalagang magtulungan ang lahat ng walang pinipiling pagkakakilanlan, kasarian, paniniwala o pananampalataya.

“Napakaganda ng panawagan ng Santo Papa sapagkat yung ating sakripisyo, yung ating gagawing pagtulong ay hindi natin titingnan kung sino yung bibigyan at alam ko hindi lang sa araw na ito kasi kahit itong panahon ng krisis ng COVID ay wala naman tayong pinipili…” Dagdag pa ni Fr. Cortez

Matatandaang idineklara ni Pope Francis ang ika-14 ng Mayo bilang Araw ng Pananalangin, Pag-aayuno at Pagkakawanggawa bilang patuloy na paghingi sa awa ng Panginoon na matapos na ang krisis na dulot ng COVID-19.

Ang Day of Fasting, Prayer and Charity ay iminungkahi ng Higher Community of Human Fraternity na agad namang sinuportahan ni Pope Francis.

Sa tala ang AMRSP ay binubuo ng 283 congregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,993 total views

 44,993 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,474 total views

 82,474 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,469 total views

 114,469 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,196 total views

 159,196 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,142 total views

 182,142 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,239 total views

 9,239 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,719 total views

 19,719 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,240 total views

 9,240 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,587 total views

 61,587 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 39,175 total views

 39,175 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 46,114 total views

 46,114 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top