Patuloy na pag-angkin ng China sa Benham rise, inalmahan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

May 12, 2020-4:20pm

Iginiit ng obispo ng Prelatura ng Infanta na naninindigan lamang ang mga Filipino sa karapatan nito sa sariling teritoryo partikular sa pinag-aagawang karagatan na inaangkin ng China.

Ayon kay Bishop Bernardito Cortez,malinaw ang desisyon ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf nang aprubahan ang isinumiteng dokumento ng Pilipinas noong 2009 kung saan hiniling na igalang ang karapatan nito sa mga lugar sa Benham Rise region na sakop ng 200 nautical miles.

“Maliwanag ang desisyon ng United Nations; pinaiiral lamang ang right ng Pilipinas hindi ang makapangyarihang bansa, simple logic lang yan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cortez sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng obispo sa pahayag ni Chinese foreign ministry spokesperson Geng Shuang na hindi maaring angkinin ng Pilipinas ang pagmamaya-ari sa Benham Rise sa kabila ng pagkilala ng United Nations.

Aniya, batay sa international law kabilang na ang UNCLOS ang karapatan sa mga continental shelf ay hindi makakaapekto sa legal status ng mga superjacent water at air space sa ibabaw ng karagatang bahagi ng teritoryo ng bansa.

Binigyang diin ni Bishop Cortez na hindi wastong ipilit ng isang malaki at makapangyarihang bansa ang kanilang kagustuhan kundi dapat sumunod at igalang ang desisyon ng pinagkaisang mga bansa.

Nauna nang sinabi ni Department of Naitonal Defense Secretary Delfin Lorenzana na namataan ang isang Chinese survey ship na naglayag sa bahagi ng Benham Rise noong nakalipas na taon kasabay ng mga ulat na natanggap na posibleng naghahanap ng lugar ang Chinese para sa submarine station.

Ayon pa kay Lorenzana plano ng Pilipinas ang pagtatayo ng mga istruktura sa Benham Rise upang bigyang diin ang karapatan sa nasabing lugar at pagbili ng karagdagang modern radar system upang mapigilan ang posibleng pagpasok ng mga umaangkin sa lugar.

Iginiit ni Bishop Cortez na nais lamang ng Pilipinas na ipaglaban ang karapatan sa halip na makipagdigma.

“Tayong mga Filipino ay hindi makipagdigma, ipinaglalaban lang natin ang ating mga karapatan para sa Pilipinas,” giit ni Bishop Cortez.

Batay sa kasaysayan, ang 13 milyong ektaryang karagatan na matatagpuan sa Isabela at Aurora ay ipinangalan sa Amerikanong geologist na si Andrew Benham ang nakadiskubre sa lugar noong 1933.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,170 total reads

 59,170 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,666 total reads

 145,666 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,703 total reads

 188,703 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,462 total reads

 238,462 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,813 total reads

 396,813 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top