IATF, hinimok ng Simbahan na linawin ang guidelines sa ipapatupad na modified ECQ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total reads

May 12, 2012-4:12am

Inihayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na dapat suriin ng pamahalaan ang national guidelines na ipinatutupad kaugnay sa enhanced community quarantine.

Ito ang tugon obispo sa pahayag ni Inter Agency Tasks Force at Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat may close coordination ang Simbahan sa Local Government Units sa kahilingang payagan ang mga religious activities.

Sinabi ni Bishop Pabillo na dapat linawin ng IATF na nakadepende sa kapangyarihan ng LGU ang desisyon upang maiwasan ang turuan kung sino ang kinauukulang lalapitan ng Simbahan.

“Kung gusto ng IATF ilagay nila sa General norms na depende sa mga LGU, kasi ang mga LGU kapag nilalapitan namin sabihin na hindi naman pwede kasi sinabi sa national na bawal muna [religious activities]. Wala namang guidelines sa national na depende sa LGU,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Naunang ikinadismaya ni Bishop Pabillo ang desisyon ng pamahalaan na unti unting buksan ang komersyo tulad ng mga mall, banko at mga minahan samantalang inihanay ang religious activities sa mga konsyerto, sine at iba pang gawaing pang aliw.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na nagsumite na ang Arkidiyosesis ng Maynila ng mga rekomendasyong panuntunan sa IATF sa pamamagitan ng Department of Health ngunit inihayag ni Roque wala itong natanggap na mga dokumento.

Ika-15 ng Mayo inaasahang magtatapos ang enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa ngunit sa anunsyo ng pamahalaan ipatutupad ang modified enahced communtiy quarantine hanggang sa katapusan ng buwan sa National Capital Region, Laguna at Cebu dahil sa naitatalang mataas na kaso ng pagkahawa ng virus..

Sa ilalim ng MECQ papayagan ng gobyerno ang paglabas ng ilang indibidwal na may esensyal na tungkulin sa lipunan tulad ng mga frontliners at maging ang pagbukas ng ilang esensyal na komersyo upang mapigilan ang tuluyang pagbagsak ng ekonomiya.

Umaasa ang Simbahang Katolika na dinggin ng pamahalaan ang kahilingan na pahintulutan ang mga banal na gawain sa Simbahan kaakibat ang mahigpit na pagpatupad ng safety precautions gaya ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng Kamay at higit sa lahat ang physical distancing.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,164 total reads

 59,164 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,660 total reads

 145,660 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,697 total reads

 188,697 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,456 total reads

 238,456 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,807 total reads

 396,807 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top