Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

#AMRSPCARES Food bank, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

 508 total views

Hindi na muling makababalik ang mundo sa nakagisnang “normal” na pamumuhay.

Ito ang pahayag ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), kaugnay ng patuloy na panawagan sa pangangalaga ng kalikasan maging ang sangkatauhan kasabay ng kinakaharap na nararanasang krisis pangkalusugan.

Ayon sa pahayag ng AMRSP, kung nanaisin ng lahat ang paghilom ng mundo at sangkatauhan, hindi na muling makababalik ang mundo sa nakasanayang pamumuhay tulad ng bago lumaganap ang pandemyang Coronavirus disease.

Hinimok ng grupo ang mamamayan na pakinggan ang hinaing ng kalikasan na magbago at sanayin ang mga sarili sa hindi konsyumerismong pamumuhay.

“If we want to heal the earth and heal humanity, there can be no turning back to what was perceived as normal. Listen. Nature – is asking each person living on this earth to change and evolve non-consumerist lifestyles.”, ayon sa pahayag ng AMRSP.

Hinikayat din ng grupo ang pagbuo ng mga bagong paraan sa social, economic at political system ng bansa na magtataguyod ng pagkakapantay-pantay at kapayapaan maging ang pangangalaga sa kalusugan ng kalikasan at mamamayan.

“Evolve new forms of social, economic, and political systems that promote equality and just peace. Systems that protect the health of both the environment and the people.”, ayon sa grupo.

Samantala, magsasagawa rin ng programa ang AMRSP sa ika-5 ng Oktubre, sa pakikipagtulungan ng San Isidro Labrador Parish sa East Avenue, Quezon City bilang panawagan sa patuloy na pagpaslang sa mga inosenteng mahihirap, lumalalang hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang pagkawasak ng ating natural na mundo.

Sinabi ng grupo na bilang bahagi ng simbahan, ay patuloy itong maninindigan at pangangalagaan ang makatao at malayang karapatan ng mga mahihirap at kilalanin ang karapatan ng kalikasan na makapagpahinga, magbago at muling mabuhay.

Kasabay ng nasabing okasyon, ay ilulunsad ng grupo ang proyektong #AMRSPCARES Food Bank na layong tiyakin ang food sustainability, naaangkop na pagkain sa mga mahihirap at lutasin ang kagutuman sa bansa.

Pinagbubuklod ng Season of Creation ang nasa 2.2 bilyong Kristiyano sa buong mundo na may iisang layunin, na sa kabila ng kawalan ng katarungan sa mundo, ay pinagtitipon para sa pandaigdigang katarungan at pangangalaga sa sangnilikha.

Sa tala, ang AMRSP ay binubuo ng 283 kongregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan ang 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,472 total views

 44,472 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,953 total views

 81,953 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,948 total views

 113,948 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,676 total views

 158,676 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,622 total views

 181,622 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,728 total views

 8,728 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,238 total views

 19,238 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,239 total views

 7,239 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top