596 total views
Bumuo ng AD HOC Committee ang Diocese of Antipolo na magsasagawa ng imbestigasyon o pagsisiyasat sa dahilan ng pagkamatay ni Rev. Fr. Nomer De Lumen, ang dating head ng Social Communication Ministry.
Sa kautusang inilabas ni Antipolo Bishop Francisco de Leon, itinalaga sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco na chairman ng kumite at kabilang sa mga miyembro si Fr. Ally Barcinal at exorcist Priest na si Fr. Jeffrey Quintela.
Layunin ng investigation body na alamin ang katotohanan sa pagkamatay ni Fr.de Lumen na may ibayong paggalang sa simbahan at dignidad ng pari.
Binigyan ni Bishop de Leon ang kumite ng hanggang katapusan ng Nobyembre 2020 upang isumite ang resulta ng imbestigasyon.
Ang pagbubukas ng imbestigasyon sa dahilan ng pagkamatay ni Fr. De Lumen ay bunsod sa kahilingan ng pamilya ng pari.
Decree:
Bishop Francisco de Leon
Diocese of Antipolo