Radio Veritas, nagpapasalamat sa mga “spiritual frontliners”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 818 total views

Nagpasalamat ang Radio Veritas 846 sa mga patuloy sumusuporta sa araw-araw na pagdiriwang ng banal na misa sa Veritas chapel.

Ayon kay Charice Renee Jose, head ng Religious Department ng himpilan, umaabot na sa 2, 000 ang mga spiritual frontliners na katuwang sa pananalangin sa mga kahilingan ng tagasubaybay ng Radio Veritas at maging sa kahilingan ng mga medical at service frontliners na humaharap sa banta corona virus.

“Nakakatuwang i-announce na mayroon na tayong 2, 000 spiritual frontliners kaya’t tayo po ay nagpapasalamat ng buong puso dahil sa pagtangkilik ng mga Kapanalig natin sa ating banal na misa,” pahayag ni Jose sa panayam ng Radio Veritas.

Bilang pagkilala sa mga spiritual frontliner mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, nagsimula nang ipamahagi ng Radio Veritas 846 ang mga spiritual frontliners certificate na nilagdaan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.

Patuloy na hinihimok ni Jose ang mananampalataya na maging spiritual frontliners sa gitna ng laban kontra pandemya at paigtingin ang pananalangin na mabisang sandata sa anumang hamong kinakaharap ng bawat tao.

Isa sa napagkalooban ng certificate at kinilala sa pagiging spiritual frontliner ang batikang komedyante at aktres na si Nova Villa.

Buo ang suporta ng aktres sa programa ng Radio Veritas partikular ang banal na misa simula nang palakasin ang online at on-air masses bunsod ng pagsasara ng mga simbahan dahil sa limitasyong dulot ng community quarantine.

Tiniyak ni Jose na palawakin pa ng Radio Veritas ang paghahatid ng serbisyong espiritwal lalo na sa nalalapit na paggunita ng todos los santos at paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay matapos ipag-utos ng pamahalaan ang pagsasara ng mga sementeryo.

Dahil sarado ang mga sementeryo at limitado rin ang bilang ng mga makadadalo sa mga misa, inihayag ni Jose na tumatanggap ang himpilan ng mga mass intentions para sa yumaong mahal sa buhay at hinikayat ang mananampalataya na makiisa sa novena para sa kaluluwa.

“Mayroon tayong novena simula November 1 to 9 para sa poor souls in purgatory, kung nais po ninyong mag-join and of course offer your prayer for the specific intentions for the souls tayo ay tumatanggap din ng kanilang pamisa at mass intentions,” dagdag ni Jose.

Sa mga nais maging bahagi sa spiritual frontliners at mag-alay ng kanilang mga mass intentions ay maaring tumawag sa 8925-7931 local 129 o mag-text sa 0917-631-4589 hanapin lamang si Renee Jose, Homer Viray at Jeffry Austria.

Tiniyak ng religious department ng Kapanalig na himpilan na tuloy-tuloy ang pananalangin para sa kapakinabangan ng bawat mamamayang nahaharap sa banta ng COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,780 total views

 43,780 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,649 total views

 39,649 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,851 total views

 75,851 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,645 total views

 84,645 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,236 total views

 110,236 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top