353 total views
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–National Secretariat for Social Action/Caritas Philippines at mga diyosesis sa bansa ng malinis at renewable energy.
Ito’y bilang pakikiisa sa Diocese ng Lucena sa lalawigan ng Quezon at iba pang diyosesis gayundin ang mga pamayanan na nakikipaglaban sa masama at delikadong epekto ng pagtatayo ng Coal-Fired Power Plant sa lalawigan.
Ang panawagan ay nilagdaan ni CBCP NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Executive Secretary na si Fr. Antonio Labiao, Jr.
Naunang nanawagan ang Diocese of Lucena sa national government at lokal na pamahalaan na huwag nang pahintulutan ang proyekto at mga susunod pang plano sa pagtatayo ng Coal-fired power plant sa lalawigan na banta sa kalusugan ng tao at sisira sa kalikasan.
Tinagurian bilang “Coal capital of the Philippines”, ang lalawigan ng Quezon na mayroong anim (6) na coal-fired power plants na pinangangambahan na madagdagan pa ng tatlo.
Tinukoy ng Caritas Philippines ang sapilitang pagpapaalis sa kanilang lupain ng mga naninirahan sa komunidad lalu na ang mga mangigisda ng Lamon at Tayabas Bay.
“Dubbed the “coal capital of the Philippines,” the province of Quezon has six (6) existing coal-fired power plants. When permitted, the three additional coal plants according to the statement will “add more environmental degradation and health risks.” It also stated that the communities, “have been robbed of their lands, livelihoods especially for fisherfolks of Lamon and Tayabas Bay, and rights against pollution, development aggression, and exclusion from decision-making processes.””, ayon sa pahayag ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines.
Sa huling tala ng Department of Energy, nasa 27 ang fully operational na coal-fired power plant sa bansa.
Pinangangambahan na kung hindi mapipigilan ang pagtatayo dagdag na planta ay aasa ang bansa sa 80 hanggang 90 porsiyentong maruming enerhiya.
Una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa Encyclical nitong Laudato Si ang pagpapalawak ng paggamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.