Ang dugo ay buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,570 total views

Ito ang paksa ng pagninilay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pinangunahang Misa para sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Sa ginanap na banal na Misa sa Sto. Domingo Church sa Quezon City, sinabi ni Archbishop Villegas na ang dugong dumadaloy sa bawat nilalang ay patunay ng pag-ibig ng Diyos at nangangahulugang dapat higit na bigyang-pagpapahalaga ang kasagraduhan ng buhay.

Inihalimbawa ng arsobispo ang pag-aalay ng buhay ng Panginoong Hesukristo kung saan dumanak ang dugo para sa katubusan ng kasalanan ng sanlibutan.

“Ang dugo ni Hesus ay para sa mundo. Ang dugo ni Hesus ay para sa walang hanggan. Ang dugo ni Hesus ay buhay para sa mga patay. Ang dugo ni Hesus ay hamon na maghandog din tayo ng buhay para sa kapwa,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Iniugnay naman ito ni Archbishop Villegas sa pag-aalay ng buhay ni Ninoy Aquino upang makamtan ng bawat Filipino ang kasarinlan mula sa madilim na panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Pagbabahagi ng arsobispo na Agosto 21, 1983, 40 taon na ang nakalilipas, nang dumanak ang dugo sa pinaslang na senador sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (ngayo’y Ninoy Aquino International Airport), matapos na barilin ni Rolando Lagman.

Binigyang diin ni Archbishop Villegas, na noo’y seminarista pa lamang, na ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa mapayapang himagsikan ng mga Filipino upang makalaya ang Pilipinas sa malupit na pamumuno ng diktaduryang Marcos, Sr.

“Nagising na kami. Hindi na kami babalik sa dilim. Hindi na pipikit. Hindi ka nag-iisa. ‘Yun ang binhi na ipinunla sa tarmac na namunga nang mapayapang pagbabago sa EDSA People Power 1986. Walang namatay at pinatay sa EDSA People Power. Hinayaang tumakas na buhay ang diktador. Ang dugo sa tarmac ay bumangon, lumipad, at tumimo sa puso ng Pilipinong nagising at ayaw nang pumikit pang muli,” saad ng arsobispo.

Higit isang libong mga tagasuporta ng yumaong senador ang nakibahagi sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kanyang kamatayan, kung saan nagsagawa muna ng motorcade mula Baclaran Church sa Parañaque patungong Sto. Domingo Church sa Quezon City.

Kasama ni Archbishop Villegas sa banal na pagdiriwang sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; Cubao Bishop Honesto Ongtioco; Novaliches Bishop Roberto Gaa; Parañaque Bishop Jessie Mercado; at Antipolo Bishop Emeritus Francis de Leon.

Dumalo rin sa pagtitipon ang pamilyang Aquino sa pangunguna nina Balsy at Viel, gayundin sina 1986 Philippine Constitutional framer at dating Associate Justice Adolfo Azcuna; dating Senate President Franklin Drilon; dating bise-presidente Leni Robredo; dating senador Kiko Pangilinan; dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno; at Liberal Party secretary-general Teddy Baguilat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 102,925 total views

 102,925 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 227,336 total views

 227,336 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 267,760 total views

 267,760 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 342,173 total views

 342,173 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top