VeritasPH

The Word, The Truth

 748 total views

Homily for Memorial of San Roque, Tues 16 August, 2022,

Mt 25, 31-40

May mga video ngayon tungkol sa isang sikat na barbero sa New York, lumalabas siya pag day-off niya sa mga kalsada para magpakain ng mga homeless at mabigyan sila ng libreng gupit at disenteng bihis. Sa dulo ng video ang highlight ay ang bagong itsura ng mga taong ito matapos na sila’y magupitan at mabihisan. Mula sa pagiging mukhang taong grasa, parang biglang bumabata sila.

Ganyan din siguro si San Roque kung gugupitan at aahitan ng balbas, lilitaw ang tunay niyang itsura. Ang dating akala nating isang matandang ermitanyo ay isang kabataan pala, baka mas bata pa ang itsura kaysa sa mga sakristan natin. Di ba nasabi ko last year—beinte anyos lang siya nang magsimula siyang maging peregrino, at trenta’y uno anyos lang siya nang mamatay. Mas bata pa siya nang kaunti kaysa edad ni Hesus nang maipako sa krus.

Ang madalas itanong tungkol sa kanya ay ito, “Bakit tinalikuran niya ang minana niyang kayamanan at kapangyarihan matapos na mamatay ang mga magulang niya?” Tipikal na kwento ito ng mga peregrino: naghahanap sila ng kahulugan sa buhay nila. Kahulugan na hindi nila makita sa kayamanan, kapangyarihan at katanyagan.

Ang tunay na hinahanap ni San Roque ay si Kristo. Ang destinasyon sana niya ay Roma para sumunod sa yapak ni St Francis of Assisi na tumalikod din sa makamundong kayamanan upang maging alagad ni Kristo. Pero hindi siya nakaabot doon. Bakit? Naudlot kasi ang paglalakbay niya dahil sa isang epidemya na naging pandemya. Imbes na umiwas sa mga tinatamaan ng salot, nagvolunteer siya na tumulong para dalhin ang mga biktima sa Ospital ng San Juan, hanggang sa siya mismo ay nahawa din.

Darating ang panahon babalik-tanawin natin ang naranasan nating pandemya at sigurado ako aaminin natin na naging exaggerated ang reaksyon natin sa Covid 19. Kung sa kabila ng katotohanan na ang swerte nga natin dahil sa modern science at medicine ganoon pa rin ang reaksyon natin sa virus na ito, sila pa kaya noong mga panahong iyon?

Wala pa silang alam noon tungkol sa ganyang mga sakit. Ang tingin nila ito’y parusa. Isipin mo kung maysakit ka na nga iiwasan ka pa di lang dahil maaari kang makahawa, kundi dahil akala nila may dala kang sumpa na parusa para sa pagkakasala.

Nakita ba ni San Roque ang hinahanap niya bilang peregrino? Ang susi sa pagsagot sa tanong ay ang binasa nating ebanghelyo. Galing sa Mateo 25, na makikita ninyong nakapaskel dito sa loob ng ating catedral sa likod ng imahen ng Poong Nazareno. Sinadya ko talagang iugnay ang Nazareno sa Mateo 25 upang makita ng mga deboto ang tunay na kahulugan ng kanilang debosyon. Ang pagdurusa ng manunubos ay nagpapatuloy pa rin sa pagdurusa ng mga dukha at mga nasasantabi ng lipunan.

Kaya nagpagawa ako ng pitong paintings na may kasamang kahon ang bawat isa: pagkain sa nagugutom, abuloy sa mga namatayan, kalinga sa mga maysakit, pagdalaw sa mga bilanggo, tahanan para sa mga palaboy, atbp. Ibig kong mangusap ang Nazareno sa mga ibig tumulong at makipasan sa krus niya. Para marinig nila sa Panginoon, “Gusto mo akong alalayan? Huwag ako ang alalayan mo, kundi ang mga walang-wala sa daigdig na ito.” Dahil anuman ang gawin mo para sa pinakahamak sa mga kapatid ko ay ginawa mo para sa akin.

Ito ang naging inspirasyon ng Jesuit composer ng liturgical music sa ginawa niyang kantang Hesus na aking kapatid.

“Hesus na aking kapatid

Sa lupa nami’y bumalik

Iyong mukha’y ibang-iba

Hindi kita nakikilala”

Si San Roque man, nang bumalik sa kanyang sariling bayan ay hindi na raw nakilala ng sariling mga kamaganak. Siguro dahil napakarami niyang nakatagpong mga maysakit, nagdurusa at namamatay, parang gumuhit sa mukha niya ang anyo nila. Di ba si Mother Teresa ganyan din? Napuno ng kulubot ang mukha niya. Parang nakuba siya sa pakikibitbit sa mabibigat na pasanin ng mga dukha.

Si San Roque naman ay napagbintangan pa na isang espiya, nakulong at namatay sa bilangguan. Nakilala lang daw siya dahil sa marka sa katawan niya. Di ba si St Francis, dinala din niya sa katawan niya ang mga marka ng pagdurusa ni Hesus? Ang tinatawag na stigmata?

Parang inulit ni San Roque ang kwento ng Panginoon ayon sa ulat ni San Juan, “Dumating siya sa sariling bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sariling mga kababayan.”

Sa kwento ng dalawang alagad na tumatakas patungong Emmaus, unti-unti daw na nakilala ng dalawa ang kanilang kalakbay. Una, sa pakikinig sa kanyang kuwento habang daan—ang salita daw niya ay parang nag-aapoy sa kalooban nila. Pangalawa, sa pakikisalo sa kanya sa mesa, nabuksan daw ang kanilang mga mata at sa wakas, nakilala siya. Ngunit pagkatapos, naglaho naman siya. Ang nagpakita ay nawala dahil ngayon, ang nakakita sa mukha niya ay magpapakita naman ngayon ng kanyang mukha sa sarili nilang katauhan bilang kanyang bagong kinatawan.

Kaya ang panalangin natin sa Misang ito, tayong nakinig sa kanyang salita at makikisalo din sa kanyang hapag ay ang refrain ng kanta ni Fr Hontiveros:

“Tulutan mo’ng aking mata

Mamulat sa katotohanan

Ikaw, Poon makikilala

Sa taong mapagkumbaba”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,922 total views

 5,922 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,458 total views

 13,458 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,444 total views

 29,444 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,489 total views

 37,489 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,569 total views

 42,569 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 106 total views

 106 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,862 total views

 2,862 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,278 total views

 7,278 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,604 total views

 2,604 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,127 total views

 3,127 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,626 total views

 4,626 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,470 total views

 5,470 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,725 total views

 3,725 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,938 total views

 7,938 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,171 total views

 7,171 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,381 total views

 11,381 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,829 total views

 4,829 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,833 total views

 4,833 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,833 total views

 4,833 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,825 total views

 4,825 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top