Environmental defenders, ituring na makabagong bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 978 total reads

Kung ano ang kaya nila, magagawa rin natin.

Ito ang pahayag ni Lia Torres, Co-Convener ng Panatang Luntian hinggil sa mahalagang tungkulin ng mga environmental defenders sa pagtatanggol sa kalikasan at mga katutubong mamamayan.

Ayon kay Torres, Executive Director ng Center for Environmental Concerns-Philippines, dapat ituring na makabagong bayani ang mga environmental defender dahil sa pagbubuwis ng buhay upang ipaglaban ang karapatan ng kalikasan at mga apektadong katutubo.

“Environmental defenders are ordinary people just like us whose lives are linked with the land and the environment. What they can do, we can do as well. Environmental defenders must become the rule–not the exception,” pahayag ni Torres.

Kaugnay nito, inaanyayahan naman ang bawat mamamayan na makiisa sa ilulunsad na programa ng Kalikasan Peoples Network for the Environment upang suportahan ang layuning pangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa laban sa mga mapagsamantala.

Ito ay ang Panatang Luntian Forest Festival na gaganapin sa Setyembre 4, 2022 sa Arroceros Forest Park.

Para makapagpatala, bisitahin lamang ang facebook page ng Kalikasan PNE para sa karagdagang impormasyon.

Batay sa Global Witness report, umabot sa 29 ang kabuuang bilang ng mga napaslang na land and environmental defenders sa bansa noong 2020.

Dahil dito, pinangalanan ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa para sa mga tagapagtanggol ng lupain at kalikasan sa Asya sa loob ng walong magkakasunod na taon.

Magugunitang nagpahayag ng kalungkutan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Laudato Si’ dahil sa labis na pagpapahirap sa mga katutubong nangangalaga sa kalikasan.

Hamon naman ng Santo Papa sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang ganitong pagtrato sa mga environmental defenders at sa mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,534 total reads

 68,534 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,045 total reads

 104,045 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,345 total reads

 139,345 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,615 total reads

 365,615 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,160 total reads

 255,160 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,788 total reads

 154,788 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top