VeritasPH

The Word, The Truth

 499 total views

Mga Kapanalig, tinawag kamakailan ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang pansin ng pamahalaan tungkol sa ating claim o pag-angkin sa Sabah, ang hilagang bahagi sa isla ng Borneo na itinuturing na isang contested territory. Sa kanyang privilege speech, ipinaalala niya ang desisyon ng French arbirtration court na nagsasabing nagkakautang ang Malaysia ng halos 15 bilyong dolyar sa mga tagapagmana ng Sultanato ng Sulu.

Ang mga tagapagmana ng Sultanato ay mga Pilipino rin kaya’t responsabilidad daw ang ating pamahalaang tulungan silang makamit ang nararapat na para sa kanila. Makikinabang din daw ang pamahalaan sa buwis na magmumula sa ibibigay sa mga tagapagmana. Ngunit nauna nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na itinuturing ng administrasyon ni Pangulong Ferdinang “Bongbong” Marcos Jr ang isyung ito sa Sabah bilang private claims ng mga tagapagmana ng Sultanato ng Sulu. Hindi raw ito isyu ng teritoryo o soberenya ng ating bansa. Matatandaang sa State of the Nation Address (o SONA) ng pangulo noong Hulyo, sinabi niyang ang foreign policy ng gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magiging “friend to all, enemy to none” ang Pilipinas. Baka hindi ito mangyari kung papapel ang gobyerno sa usapin tungkol sa Sabah.

Ngunit ang isyu sa Sabah ay hindi lamang isyu ng claims o ng teritoryo. Isyu rin ito ng mga tinatawag na stateless na mga Pilipino roon. Ito ang binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros bilang tugon kay Senador Padilla. Noong nakaraang Kongreso, isinabatas ang Foundling Law na magtitiyak na makakamit ng mga batang nahanap sa labas ng tahanan o sa mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa ang kanilang mga karapatan at citizenship bilang mga Pilipino. Sa kaso ng mga Pilipinong nasa Sabah, maaari silang ituring na stateless persons. Tinatayang nasa 800,000 hanggang isang milyong Pilipino ang nasa Sabah. Sagot naman ni Senador Padilla, ang nangyaring deportation o pagpapauwi ng mga tao noong 2013 ang nagpalitaw sa isyu ng statelessness. Bagamat may unawaan ang Commission on Human Rights ng Pilipinas, Malaysia, at Indonesia upang solusyunan ito, ang kawalan ng konsulado ng Pilipinas sa Sabah ay isang balakid upang makakuha ang mga Pilipino roon ng mga dokumento ng kanilang pagkakakilanlan katulad ng birth certificate at passport. Paalala ni Senadora Hontiveros, ang mga Pilipinong nasa Sabah ay maituturing na overseas Filipino workers ngunit mistula silang second-class citizens kung wala silang pagkakakilanlan.

Hindi lamang karapatan ng mga Pilipinong nasa Sabah na magkaroon ng pangalan, pagkakakilanlan, at citizenship. Nilagdaan ng ating bansa ang 1954 Convention Relating to the Status of Stateless Persons noong 1955. Samakatuwid, obligasyon din sila ng ating pamahalaan kaya’t dapat nitong pagbibigay-proteksyon ang mga stateless persons doon.

Ipinapaalala sa atin ni Pope Francis ang prinsipyo ng centrality of the human person kung saan dapat mas gawing prayoridad ang pagbibigay-proteksyon at seguridad sa bawat tao bago ang national security. Ito ay nakabatay sa pagkilalang dahil sa dignidad ng tao, bawat isa sa atin, kabilang ang mga bata, ay dapat mabigyan ng access sa mga batayang serbisyo at kaukulang proteskyon. Sabi pa ng Santo Papa, maiiwasan ang statelessness kung ang mga bansa, katulad ng Pilipinas, ay tutugon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga batas na kikilala sa obligasyon nila sa mga pandaigdigang kasunduang may kinalaman sa mga mamamayan nilang nasa ibang bayan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Filipos 3:20, “tayo ay mga mamamayan ng langit.” Sa langit man o sa lupa, tayo ay mga mamamayang dapat nakakamit ang mga karapatan at may dignidad na dapat pangalagaan. Kung hindi man interesado ang Pilipinas sa isyu ng Sabah at ng Sultanato ng Sulu, tulungan sana ng gobyerno ang mga kababayan doon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,409 total views

 12,409 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,394 total views

 20,394 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,930 total views

 27,930 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,915 total views

 43,915 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,959 total views

 51,959 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 12,410 total views

 12,410 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 20,395 total views

 20,395 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 27,931 total views

 27,931 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 43,916 total views

 43,916 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 51,960 total views

 51,960 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,046 total views

 46,046 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,471 total views

 44,471 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,257 total views

 46,257 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,182 total views

 43,182 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,496 total views

 57,496 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,186 total views

 61,186 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,789 total views

 59,789 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,776 total views

 69,776 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,744 total views

 73,744 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,631 total views

 84,631 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top