VeritasPH

The Word, The Truth

 219 total views

Homiliya para sa Ika-Limang Linggo ng Pagkabuhay, 15 Mayo 2022, Juan 13:31-33a, 34-35

Meron bang ID ang isang alagad ni Kristo? Sa ebanghelyong binasa natin, ang sabi ni Hesus, meron. Nasa v.35:

“Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay mga alagad ko )sa madaling salita, ito ang magsisilbing parang ID ninyo) kung nagmamahalan kayo.”

Marami tayong dalang ID sa bulsa natin; may SSS, PhilHealth, Student’s ID, Driver’s ID, sedula, etc. Ang ID ay mahalaga para makilala ang tao—sa school, sa bangko, sa immigration, atbp. Hinahanap ito lalo na kapag naaksidente ang tao, o wala siya sa sarili, o nasama sa mga biktima ng karahasan, o giyera, o kalamidad.

May ID ba ang Kristiyano? Sa ibang mga bansa binibigyan talaga ng literal na ID ang mga Katoliko—bilang registered parishioner ng isang parokya, mga tipong ID na meron pang nakasulat sa likod, “I am a Catholic, in case of emergency please call a priest.”

Hindi ito ang tinutukoy ni Kristo. Hindi rin iyung mga bagay-bagay o mga abubot na dala-dala natin o suot-suot natin para makilala tayo bilang mga Kristiyano, katulad ng kwintas na may cross pendant, rosaryo sa bulsa, eskapularyo, miraculous medal, atbp.

Sa ebanghelyo sinasabi ni Hesus na isa lang daw ang dapat magsilbing tanda na magpapakilala na tayo nga ay mga tagasunod niya: ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Ito daw ang umakit sa maraming mga tao sa pagtitipon ng mga unang Kristiyano. Naobserbahan daw kasi nila na kakaiba sila. At nasasabi nila, “Iyan nga siguro ang tinatawag nilang mga Kristiyano; nagmamahalan sila, handang mag-alay ng buhay para sa isa’t isa. May malasakit sa mga dukha at nangangailangan, kumakalinga sa mga balo at ulila.”

Sa ating first reading, sinasabi ni San Lukas, ang mga sinaunang alagad daw ay nakitaan din daw ng lakas ng loob at katatagan sa gitna ng mga pasakit na pinagdaanan nila. Narinig natin ang sinabi nina San Pablo at San Bernabe sa mga tagasunod ni Kristo, “Ang pagdanas ng maraming mga pagsubok ay kailangan kung nais natin pumasok sa kaharian ng Diyos.”

Sa isang golden wedding anniversary, tinanong ko ang mag-asawa kung wala ba silang mga pagsisisi sa 50 taon nilang pagsasama. Ang bilis nilang nagsabing wala. Sabi ko, baka naman talagang napaka-compatible ninyo at napaka-ideal at romantic ng pagsasama ninyo. Mabilis din silang nagsabing “Hindi po.” Sabi ng misis, “Sa totoo lang, marami po kaming pinagdaanan, maraming pinag-awayan, maraming beses na muntik na magkahiwalay, pero sa tulong ng Diyos nalampasan namin ang lahat ng iyon. Tinuruan kami ng Panginoon na magpatawad at magpuno sa pagkukulang ng isa’t isa.” At napansin ko, ang lalaki ang napaluha sa sinabi ng misis niya.

Isa pang ibinubunga ng pag-ibig sa karakter ng mga alagad ni Kristo, ayon kay San Lukas, ay ang kanilang “pagbubukas ng pintuan ng pananampalataya” sa mga taong dati-rati’y hindi nila matanggap. Kung dati’y napaka-exclusive nila sa sinasamahan, naging mas bukas daw ang isip nila sa iba, naging mas welcoming. Wala nang iniiwasan, maging mga kababaihan, mga alipin, mga may kapansanan, mga dayuhan, mga hindi katanggap-tanggap sa lipunan.

Sa ikalawang pagbasa naman sa Book of Revelation, sa bandang dulo, isa pang katangian na ibinubunga ng pag-ibig sa mga alagad ni Kristo ang ipinahahayag: ito ay nakapagbabago.

“Pagmasdan kung paano ko binabago ang lahat,” wika ng nakaluklok sa trono na narinig at nakita ni San Juan sa kanyang pangitain. Ang pag-ibig kasi ay may kapangyarihan na magpabago. Marami na akong narinig na kuwento ng mga taong akala’y wala nang pag-asa pero nagbago at napabuti rin sa bandang huli dahil hindi ginive-up ng magulang o mahal sa buhay.

Kay San Juan, pag-ibig lamang ang tunay na tanda ng pananatili ng Diyos sa piling ng tao, nagdudulot ng aliw sa mga nagluluksa, tumatalo sa kamatayan, nagbibigay-buhay, nagbibigay-daan sa bagong paglikha.

Kapag may pag-ibig, ang “dito sa lupa” ay nagiging “para nang sa langit.” Kapag walang pag-ibig, ang dito sa lupa ay nagiging “parang sa impyerno.” Kaya pala ang pinakamalinaw na tanda na ang tao ay walang Diyos sa buhay niya ay hindi naman kawalan ng relihiyon, kundi kawalan ng pagibig sa buhay. Kaya marahil ito ang tinawag na BAGONG KAUTUSAN ni Kristo at iniwan bilang habilin sa kanyang mga alagad. Hindi konsepto kundi sarili niya ang ibinigay niya bilang pamantayan ng pagmamahal. “Magmahalan kayo, GAYA NG PAG-IBIG KO SA INYO.” Pinasimple niya. At ito lang daw ang magsisilbing tanda na nananatili pa rin siya sa piling nila, kahit wala na siya.

Ang pinakamagandang panulat ni San Pablo tungkol sa PAGIBIG ay nasa chapter 13 ng unang sulat niya sa mga Korinto. Madalas nating marinig ito sa mga kasalan, kaya akala natin tungkol lang ito sa relasyon ng mga nag-aasawa. Hindi. Tungkol ito sa diwa na nagbubuklod sa mga alagad bilang iisang katawan kay Kristo. Kailangan basahin ito mula sa chapter 12.

Doon, matapos niyang banggitin ang iba’t ibang mga kaloob ng Espiritu Santo sa mga alagad, may sinasabi pa siyang mga “nakahihigit na mga kaloob” na dapat daw pagsumikapan na matamo ng bawat alagad upang magkabuklod sila bilang bahagi ng iisang katawan: FAITH, HOPE and LOVE. Pero ang pinakadakila daw sa lahat ay PAG-IBIG. At sasabihin niya sa kasunod na kabanata kung bakit. Ito daw ang nagpapaunlad ng ating pagkatao mula sa kamusmusan. Ito daw ang unti-unting nagpapakita sa atin sa tunay na anyo ng Diyos. Malabo pa sa una, ngunit unti-unting lumilinaw.

Doon nagbibigay si San Pablo ng labing-limang mga katangian na nagiging kapansin-pansin umuunlad sa pagiging alagad at natututong magmahal. Sa verses 4-7, sabi niya,

“Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi mainggitin, hindi mayabang o mapagmataas,

hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,

hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at handang magtiis ng lahat.”

Magandang baunin ang listahan na ito na parang checklist para sa validity ng ID natin. Meron din kasing mga invalid ID, di ba? Kung ID natin ang PAG-IBIG, itong labinlimang ito ang nagpapatunay kung valid ba o totoo ang ID ng pagka-Kristiyano natin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,708 total views

 13,708 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,693 total views

 21,693 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,229 total views

 29,229 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,214 total views

 45,214 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,258 total views

 53,258 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 407 total views

 407 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,162 total views

 3,162 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,577 total views

 7,577 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,903 total views

 2,903 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,426 total views

 3,426 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,925 total views

 4,925 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,769 total views

 5,769 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,024 total views

 4,024 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,237 total views

 8,237 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,470 total views

 7,470 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,680 total views

 11,680 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,128 total views

 5,128 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,132 total views

 5,132 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,132 total views

 5,132 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,124 total views

 5,124 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top