Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 752 total views

Homiliya para sa Pistang Santo Niño, Mt 18:1-5,10

Niregalo ni Magellan ang orihinal na Santo Niño de Cebu sa pamilya ni Rajah Humabon noong 1521. Tinambangan siya at pinatay ng mga kawal ni Lapu-lapu sa Mactan. Muling natuklasan ang imahen ng mga sundalo ni Legazpi noong 1565. Pumatay daw siya ng mahigit sa limandaang mamamayan ng Sugbu (Cebu) at nanunog ng mahigit limang libong kabahayan dahil ayaw daw magpasakop sa kanya ng mga katutubo. Gusto ba ito ng Santo Niño?!!

Isang sundalo daw ang nakatuklas ng imahen matapos ang paglusob. Natagpuan daw ang isang baul sa isa sa mga bahay na sinunog, naroon sa loob ang imahen ng Santo Niño! Nang makita raw ito ni Legazpi naghahagulgol daw siya. Tinuring daw niyang isang palatandaan ito. Palatandaan ng ano?

Iba ang interpretasyon ko sa hagulgol ni Legazpi. Palagay ko ang mensaheng nakuha niya sa maliit na imahen ng Santo Niño ay: “Hoy, Señor Legazpi, hindi porke’t malaki ka ay may karapatan kang apihin ang mga maliliit. Kung gusto mong magtagumpay, huwag kang maging marahas. Makipag-usap ka, magpakumbaba ka, huwag magmamalaki.” (Siyempre, interpretasyon ko lang naman iyon. Iba ang interpretasyon ng kanyang mga chroniclers.)

Kapag piyesta ng Santo Niño, binabasbasan natin ang mga bata. Ibig bang sabihin nito na ang Santo Niño ay para lang sa mga bata? Oo. Pero higit sa lahat, ito’y para sa matatanda rin, lalo na iyong mga nawawalan na ng pagkabata. Ito’y tungkol sa ating lahat, dahil lahat tayo ay “tumatanda”.

Ang katawan ng tao kapag nagkakaedad ay unti-unting nanghihina sa ayaw natin at sa gusto, nagkakasakit, hanggang sa mamatay. Kapag sumabay ang kaluluwa sa pagtanda ng katawan, sasabay din ito sa pagkamatay ng katawan. Puwede bang hindi? Oo naman; ito nga ang isa sa mga misteryong ating pinanghahawakan bilang mga Kristiyano. Tayong naniniwala na nabubuhay tayo sa katawan ng muling nabuhay na Kristo na hindi tumatanda.

Ang landas ng pagiging alagad ni Kristo ay landas ng ispiritwal na pagkabata; ang pagpapanatili sa pagkabata ng kaluluwa habang tumatanda ang katawan. Naniniwala tayo na habang tumatanda ang katawan natin, dapat unti-unting bumabata ang kaluluwa, upang ang ating pisikal na pagkamatay ay maging okasyon ng ating ispiritwal na pagsilang. Ito ang tinutukoy sa atin ng ikalawang pagbasa mula na sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso na isa sa mga “biyayang ispiritwal” na kaloob sa atin ng Ama sa pamamagitan ni Hesukristong Anak niya— na tayo ay mahirang na maging banal at musmos sa kanyang paningin.

Isang malalim na palaisipan at landas ng kabanalan ang Santo Niño. Isang debosyon na pinaunlad ng mga Carmelites at pinalaganap bilang isang ispiritwalidad ni Santa Teresita ng Lisieux, kaya siya tinatawag na “Santa Teresita ng Niño Hesus.” Isa sa mga inspirasyon nito ay ang huling bahagi ng ating narinig na ebanghelyo ngayon Mat 18:3 “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbago at maging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Ibig sabihin, ang kaharian ng Diyos ay hindi maaaring manahin ng kaluluwang hinayaang “tumanda”; ito ay para lamang sa mga yumayakap sa landas ng ispiritwal na pagkabata.

Palaisipan ito. Sa Santo Niño, ibig ng simbahan na ating maaninag ang larawan ng ating kaluluwa. Larawan ng ating mismong sarili, bilang kabahagi ni Kristo. Kapag tayo’y sumunod kay Hesus, susunod din tayo sa kanyang landas, ang tinutukoy ni Santa Teresita na “landas ng kaliitan.” Ang landas na ito ang nagpapabata sa kaluluwa habang tumatanda ang katawan.

Kailan mo alam na tumatanda na ang tao, hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa kaluluwa? Kapag natututo na tayong magtanim ng galit, mainggit, at makipagpaligsahan katulad ng maraming nakatatanda. Kapag istorbo na ang tingin natin sa mga bata. Kailan ba natin tinatawag na “pangmatanda lamang” ang mga ginagawa natin? Kailan natin sinasabing “hindi kasali ang mga bata” sa gagawin natin? Anong mga gawain ang “for adults only?” Lahat ng may kinalaman sa kalaswaan, karahasan, kalupitan, atbp. Kailan tayo biglang nagiging maamo at bumubuti ang asal? Kapag tayo’y nasa piling ng mga bata!

Minsan tinanong ako ng isang matandang biyudo: Father, dalawang beses po akong nag-asawa at dalawang beses din nabiyudo. Pagkamatay ko, sino sa dalawang naging asawa ko ang magiging asawa ko? Hindi kaya sila mag-away at magsabunutan sa langit? Nakakatawa ang ganyang klaseng tanong, pero aminin natin, sumasagi din sa ating isipan ang ganyan. Ano ang magiging itsura natin sa langit? Ang sabi ko sa matanda, wala naman pong matanda sa langit. Dahil ang langit ay nagpapabata, ang lahat ng papasok dito ay magiging mga mistulang “bata”. Kung magkikita kayo nga mga napangasawa ninyo sa langit, hindi ninyo sila makikita bilang asawa, kundi bilang kapwa bata; magiging mga musmos tayong lahat sa piling ng Diyos.

Ang “Santo Niño” ay “landas ng kaliitan”. Bukod tanging ang mga marunong magpakumbaba sa harap ng Diyos ang tatanggap ng kanyang awa at patawad. Ang marunong magpakumbaba ay mas madaling makaunawa sa mga nasa mababang kalagayan. Ang tumatanggap ng kanyang kaliitan sa harapan ng Diyos ay mas madaling makaunawa at magmalasakit sa mga “maliliit” sa lipunan. Ang mga nagmamalaki, ang mga masyadong malaki ang pagtingin sa sarili ang natututong yumapak at mang-alipusta sa mga maliliit. Ang marunong magpakumbaba ay hindi pagkatakot at paglayo ang mararamdaman sa piling ng Diyos . Tulad ng bata, lulundag siya na walang takot sa kamay ng tatay nya, dahil alam nyang sasaluhin siya Nito.

Viva Santo Niño!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,765 total views

 9,765 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,246 total views

 17,246 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,386 total views

 30,386 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,359 total views

 36,359 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,113 total views

 42,113 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,085 total views

 1,085 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,086 total views

 1,086 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,840 total views

 3,840 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,255 total views

 8,255 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,581 total views

 3,581 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,104 total views

 4,104 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,603 total views

 5,603 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,447 total views

 6,447 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,702 total views

 4,702 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,915 total views

 8,915 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,147 total views

 8,147 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,357 total views

 12,357 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,805 total views

 5,805 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,809 total views

 5,809 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,809 total views

 5,809 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top