VeritasPH

The Word, The Truth

Ang mga mahihirap sa ikalawang taon ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Mga Kapanalig, kung gusto nating malaman ang tunay na state of the nation, wala nang ibang tunay na makapagsasabi nito kundi ang mga mahihirap na pinangakuan noong kampanya ni Pangulong Duterte na tutulungang baguhin ang kanilang kalagayan. Marami ang napaniwala ng pangulo na siya ay “pro-poor” o makamahirap, ngunit sa dalawang taon ng kanyang panunungkulan, siya mismo—sa pamamagitan ng kanyang mga isinulong na patakaran at ng kanyang mga pananalita—ang bumasag sa imahe niyang nakapagbigay sa kanya ng 16 na milyong boto.

Sino ang makapagsasabing ang kanyang giyera kontra droga ay makamahirap? Hindi ba’t mula sa mga mahihirap na lugar ang mga napatay sa mga operasyon ng pulis at mga biktima ng vigilante killings? Sa opisyal na tala ng pamahalaan, mahigit 4,000 katao na ang napatay sa mga anti-drug operations ng mga pulis, ngunit lumalabas ding mahigit 20,000 ang tinatawag nilang “homicides under investigation.” Maaaring mas marami pa ang napatay. Hindi rin nakikita sa mga numerong ito ang tindi ng epekto ng “war on drugs” sa mga magulang ng mga namatayan, sa mga nabalo, sa mga batang ulila na. Kamakailan, ibinalita ni Bishop Ambo David ng Diyosesis ng Kalookan na pinatay noong Miyerkules ang naiwang asawa ng isang tatay na pinatay noong isang taon. Tuluyan nang naging ulila ang kanilang mga anak. Ganito na katalamak ang patayan sa ating bayan, ang patayang sinimulan ng administrasyong Duterte, ang patayang ang mahihirap ang binibiktima.

Samantala, hindi ba’t mga mahihirap din ang pumapasan ng bigat na dulot ng tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo? Sinasabi ng administrasyong maliit lamang ang epekto ng TRAIN Law sa pagmahal ng mga produkto; wala pa nga raw isang porsyento. Sisihin daw natin ang tumataas na halaga ng petrolyo, ang humihinang halaga ng piso, at ang mga negosyanteng sinasamantala ang sitwasyon upang kumita. Kung gayon, ano ang ginagawa ng pamahalaan upang ibsan ang epekto ng mga ito? Hindi kaya’t ang TRAIN Law ang naging dahilan para manamantala ang mga nais lamang kumita? Sabi ng pamahalaan, mayroon namang ibinibigay na buwanang subsidiya ang pamahalaan sa mga mahihirap upang makatulong bawasan ang anumang epekto ng TRAIN sa kanilang gastusin. Ang tanong: sapat ba ang ₱200 bawat buwan na dagdag sa kita sa isang mahirap na pamilya? Itinulak ng administrasyong Duterte ang TRAIN Law upang matustusan ang ambisyosong programa nito na “Build, Build, Build” na anila’y magpapasigla sa ating ekonomiya at sa kalauna’y pakikinabangan din ng mahihirap. Ngunit bakit parang ang mga mahihirap ang pumapasan ng bigat? Taliwas sa paniwala ni DBM Secretary Diokno na hindi naman daw nagbabayad ng buwis ang mga mahihirap samantalang sila ang nakatatanggap ng mga libreng serbisyo ng pamahalaan, ang mga mahihirap po ang unang-unang naghihigpit ng sinturon sa tuwing tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyong may nakapataw nang buwis. Nagbabayad ang mga mahihirap ng buwis sa tuwing sasakay sila ng jeep (na tumaas na ng piso ang pamasahe) at sa tuwing bibili sila ng pagkain sa tindahan.
Dalawang isyu lamang ang mga ito sa unang dalawang taon ng administrasyong Duterte na nagpapakita kung paano ituring ng pamahalaan ang mga mahihirap.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin natin ang pagkiling sa mga mahihirap, hindi dahil mga espesyal silang tao at hindi rin dahil dinadakila natin ang kahirapan. Marapat silang pagtuunan ng pansin dahil sila ang mga hindi nakatatamasa ang makataong pamumuhay, dahil sila ang nakararanas ng pang-aapi sa kanilang buhay at dangal.

Mga Kapanalig, sa inyong palagay, sa paanong paraan naipakikita ng administrasyong Duterte ang pagkiling nito sa mga dukha? Buksan natin, hindi lang ang ating mga mata kundi pati ang ating isipan at puso nang makita natin ang tunay na state of the nation.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 15,918 total views

 15,918 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 23,963 total views

 23,963 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,043 total views

 29,043 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,749 total views

 34,749 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,537 total views

 43,537 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 15,919 total views

 15,919 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 23,964 total views

 23,964 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,044 total views

 29,044 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,750 total views

 34,750 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,538 total views

 43,538 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,989 total views

 40,989 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,303 total views

 55,303 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,993 total views

 58,993 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,596 total views

 57,596 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,583 total views

 67,583 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,551 total views

 71,551 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,438 total views

 82,438 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,877 total views

 94,877 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,635 total views

 105,635 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,888 total views

 52,888 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top