Buhayin ang kamalayan ng mamamayan, Layon ng PCNE5

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 334 total reads

Nilalayon ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) na buhayin ang kalooban at kamalayan ng bawat isa sa mga nangyayari sa Bayan sa pananaw ng Mabuting salita ng Diyos.

Dahil dito, umaasa si CBCP- Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na magsilbing daan ang PCNE5 upang maihanda ang mga Layko at lahat ng Pari at mga Relihiyosong Delegado para sa nakatakdang State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo, nawa ay magising ng pagtitipon ang kamalayan ng bawat isa sa mga nangyayari sa Bayan at mahimok ang mga itong maging Misyunero sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga usaping Panipunan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na marapat lamang na tumutok at suriin ng bawat mamamayang Filipino ang nakatakdang ikatlong SONA ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Obispo, hindi lamang dapat marinig at malaman ang ulat sa bayan ng Pangulong Duterte kundi maging mapanuri ang mamamayan sa kung ano ang totoo o hindi at kumilos upang mapanindigan ang pagsusulong ng katotohanan.

“Yang PCNE, yan po ay para magkaroon ng New Evangelization buhayin ang kalooban ng mga tao tungkol sa nangyayari ngayon at sila’y maging bahagi, maging Misyunero kaya yung PCNE ay parang naghahanda sa atin na sana may kahandaan sila na pagdating ng SONA tulad ng ginawa natin See, Judge, Act. Tingnan nila yung mga sinabi totoo ba o hindi, na sila’y panindigan nila ano yung tama, ano yung mali at sila’y kumilos. So sana itong PCNE ay maging paghahanda sa mga tao na mas maging Engage sa larangan ng buhay na ipinapasok ang pananampalataya.“ pahayag ni Bishop Pabillo.

Nagsimula ang limang araw na Philippine Conference on New Evangelization noong ika-18 ng Hulyo kung saan inilaan ang unang 2 araw ng pagtitipon para sa mga Clergy at Religious mula sa iba’t ibang Kongregasyon at Diyosesis sa buong Bansa.

Tema ngayong taon ang “Moved with Compassion… Feed the Multitude” na naglalayung mapalalim pa ang kamalayan ng mga mananampalataya sa pagbabahagi ng habag sa kapwa.

Batay sa tala ng pamunuan ng PCNE, umabot sa 7,000 ang kabuuang bilang ng mga Delegado ngayong taon kung saan sa bilang na ito 3,000 ang mga Religious at Clergy.

Nagtapos ang PCNE5 noong Linggo, ika-22 ng Hulyo sa UST.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,871 total reads

 11,871 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,125 total reads

 13,125 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,355 total reads

 27,355 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,733 total reads

 64,733 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,003 total reads

 96,003 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,477 total reads

 171,477 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,374 total reads

 264,374 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,593 total reads

 25,593 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top