Ang pagpatay sa mga tagapagtanggol ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo ay tinalakay natin sa isang editoryal ang pagtangis ng kalikasan dahil sa malawakan at mapaminsalang pagmimina. Kung magpapatuloy ang paninindigan ng kalihim ng DENR sa ipahinto ang operasyon ng malalaking mining companies, masasabi nating maiibsan na ang kanyang pagdurusa.
Ngunit may isa pang dahilan kung bakit tumatangis ang ating kalikasan: ang pagpatay sa mga taong ipinagtatanggol siya. Gaya na lamang ni Atty. Mia Manuelita Mascariñas-Green, isang environmental lawyer na noong isang linggo ay inihatid na sa kanyang huling hantungan. Si Atty. Mascariñas ay isang abogadang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng karapatang pantao. Noong ika-15 ng Pebrero, binaril siya ng mga suspek na riding-in-tandem habang nagmamaneho pauwi sa kanyang bahay sa Bohol kasama ang kanyang tatlong anak. Ang mga pinaghihinlaang mastermind sa krimen ay ang mga kalaban ng kanyang kliyente sa isang kasong may kinalaman sa agawan ng ari-arian. Kasalukyan nang iniimbestigahan ang mga nadakip na suspek.
Bagamat hindi direktang iniuugnay ang krimen sa kanyang adbokasiya, labis na ikinalungkot ng mga environmental groups ang ginawang pagpatay sa isa nilang kasangga. Malaking kawalan si Atty. Mascariñas para sa kanyang mga kasama sa adbokasiya. Maliban sa kakaunti na ang mga taong handang mag-alay ng husay at lakas para sa kalikasan, hindi madali ang mga labang sinusuong nila. Kinakailangan nilang kausapin (at kung minsan ay banggain) ang mga malalaking kumpanya at makapangyarihang pulitikong may vested interests sa mga industriya o negosyong may negatibong epekto sa kalikasan. Ito, mga Kapanalig, ang anggulong madalas tingnan sa tuwing may mga environmentalists na pinapaslang.
Noong 2015, nakapagtala ang grupong Global Witness ng 185 environmental activists na pinatay sa iba’t ibang bansa, kaya’t itinuring ang taóng iyon bilang “deadliest year” para sa mga environmentalists. Pumangalawa ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming pinaslang na environmentalists. Ayon naman sa grupong Kalikasan, na nagmo-monitor sa panggigipit at pagpaslang sa mga enviroment campaigners sa ating bansa, karagdagan si Atty. Mascariñas sa 112 na napatay sa nakalipas na 15 taon. Labindalawa sa kanila ay pinatay sa loob ng unang pitong buwan ni Pangulong Duterte.
Mga Kapanalig, nakalulungkot at nakababahala ang humahabang listahan at lumalaking bilang ng mga pinapatay na tagapagtanggol ng kalikasan. Malaking kawalan din sila sa ating mga kasapi ng Simbahan, lalo na’t sa mga panlipunang katuruan nito o Catholic social teaching, malaki ang pagpapapahalagang ibinibigay natin sa mga nilikha ng Diyos. Gaya ng mensahe ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’, ang kalikasan ay biyayang ipinagkaloob ng Diyos hindi upang abusuhin sa ngalan ng ating mga pansariling kagustuhan kundi upang parangalan din ang Panginoon. Kaya’t mahalaga ang mga nagtatanggol sa ating kalikasan dahil ipinahihiram nila ang kanilang boses sa mga nilalang ng Diyos sa mga kabundukan at karagatang araw-araw ay nanganganib na maubos at maglaho. Sa kanilang pagtatanggol sa sanilikha, itinataguyod din nila ang buhay.
Mga Kapanalig, sinasalamin ng pagpatay sa mga tagapagtanggol ng kalikasan ang kakayahan ng ibang taong abusuhin ang kanilang kalayaan sa ngalan ng pansariling interes at kasakiman. Environmentalist o ordinaryong tao man ang biktima ng pagpaslang, nakikita natin kung saan maaaring humantong ang kawalan natin ng paggalang sa buhay at dignidad ng ating kapwa. Kung susuriin din, ang pagpatay sa isang tao at ang pagsira sa kalikasan ay kapwa patunay ng pagmamataas nating mga tao, ng pananaw na tayo ay nakahihigit sa iba at sa sanilikha.
Ipagdasal natin ang mabilis na paglutas sa kaso ni Atty. Mascariñas, gayundin ang pagbabago ng mga kapatid nating nagagawang pumatay (o magpapatay) dahil nabababalot ang kanilang kalooban ng kasakiman. Huwag na rin sanang madagdagan pa ang bilang ng mga pinapatay na tagapagtanggol ng kalikasan.
Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,641 total views

 2,641 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,002 total views

 28,002 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,630 total views

 38,630 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,619 total views

 59,619 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,324 total views

 78,324 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,642 total views

 2,642 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,003 total views

 28,003 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,631 total views

 38,631 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,620 total views

 59,620 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,325 total views

 78,325 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 108,536 total views

 108,536 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 91,210 total views

 91,210 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 123,828 total views

 123,828 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 120,844 total views

 120,844 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 122,773 total views

 122,773 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »
Scroll to Top