VeritasPH

The Word, The Truth

Ang perang padala ng mga migranteng mangagawa

SHARE THE TRUTH

 118 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin sa araw na ito ang International Day of Family Remittances. Layunin nitong bigyang-pugay ang mahalagang kontribusyon ng pagpapadala ng pera o remittances ng mga manggagawang nagtatrabaho sa malalayong lugar sa kabuhayan at kaunlaran ng kanilang pamilya. Nais kilalanin ng paggunitang ito ang katatagan ng mga migranteng manggagawa sa gitna ng kawalan ng seguridad sa ekonomiya, ng mga kalamidad, at maging ng pandemya.

Tinatayang mahigit 200 milyong migranteng mangagawa ang nagpapadala ng pera sa 800 milyong miyembro ng kanilang pamilya sa 125 low- hanggang middle-income na mga bansa.  Sa katunayan, ang total global remittances o kabuuang perang padala sa mundo ay tatlong beses na mas mataas sa mga official development assistance o ang pinansyal na tulong at pautang ng mga bansa sa mahihirap na lugar. Noong 2020, kalahati ng remittances sa mundo ay napupunta sa mga pamilya sa kanayunan, kung saan matindi ang kagutuman at kahirapan, at sinasabing pinakakailangan ang remittances. Sa kabila ng pandemyang nag-umpisa noong nakaraang taon, bumaba lamang ng 1.6% ang remittances o 540 bilyong dolyar mula sa 548 bilyong dolyar noong 2019. Patunay ito ng mahalagang papel ng remittances sa buhay ng bawat pamilyang may migranteng manggagawa.

Dito sa Pilipinas, nasa 33.2 bilyong dolyar ang remittances noong 2020 na katumbas ng tinatayang 9.2% ng gross domestic product o kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo mula rito sa Pilipinas. Noong 2018, 2.3 milyong Pilipinong manggagawa ang nasa ibang bansa o overseas Filipino workers. Bagamat may mga pag-aaral na nagsasabing nagdudulot ang remittances ng mas mataas na school spending at pagbaba ng child labor dito sa Pilipinas, may mga nagsasabing naging sanhi ang remittances ng mas mababang educational attainment. Iniuugnay ito sa kawalan ng gabay ng mga magulang. Ibig sabihin, sa kabila ng pera at kakayanang tumugon ng mga migrante sa materyal na pangagailangan ng kanilang mga pamilya ay mayroon silang ibang suliraning kinakaharap dala ng pagkakawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahan na ang paninirahan sa ibang bansa upang makapaghanapbuhay ay isang pamamaraan upang makamit ang kaunlaran. Sa isang banda, pinupunô ng mga manggagawang migrante ang mga bakanteng posisyong nangangailangan ng paggawa sa mga bansang kanilang pinupuntahan. Sa kabilang banda, nabibigyan ng kabuhayan ang mga migranteng manggagawang karaniwan ay nagmula sa mahihirap na bansang walang sapat na oportunidad para sa kanila.

Kaya naman, patuloy na nanawagan ang Simbahan sa mga bansang tumatanggap at nagpapadala ng mga dayuhang manggagawa na siguruhing naigagalang ang kanilang dignidad at napoprotektahan ang kanilang mga karapatan. Tulad nga ng paalala sa Deuteronomio 24:14, “Huwag ninyong ipagkait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa, maging siya ma’y kapwa [Israelita] o dayuhang nakikipamayan sa inyo.” Samakatuwid, ang dignidad ng paggawa ay dapat na kinikilala, migrante man ang gumagawa nito.

Kasabay ng pagtiyak na napangangalagaan ang mga manggagawang migrante, hinihikayat din ng ating Santa Iglesia ang pagkakaroon ng mas maraming oportunidad upang makapaghanapbuhay sa mga bansang pinagmumulan ng mga migrante. Sa ganitong paraan,  hindi sila mapipilitang mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay upang kumita ng pera. Hindi masama ang mangibang-bansa, ngunit sana ay malayang mapipili ng mga manggagawang manatili sa bansa upang makamit ang kaunlarang hangad nila nang hindi nawawalay sa kanilang pamilya.

Mga Kapanalig, sa araw na ito, pinapasalamatan at ipinagdarasal natin ang mga migranteng mangagagawa sa ating mga pamilya. Kaugnay nito, maging katuwang sana nila tayo sa pagtataguyod ng kanilang mga karapatan. Tandaan nating ang perang kanilang ipinapadala ay bunga ng kanilang dugo at pawis, isang mukha ng pag-ibig sa kabila ng distansya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,258 total views

 9,258 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,243 total views

 17,243 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,779 total views

 24,779 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,764 total views

 40,764 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,808 total views

 48,808 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,259 total views

 9,259 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,244 total views

 17,244 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,780 total views

 24,780 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,765 total views

 40,765 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,809 total views

 48,809 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,790 total views

 45,790 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,215 total views

 44,215 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,001 total views

 46,001 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,926 total views

 42,926 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,240 total views

 57,240 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,930 total views

 60,930 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,533 total views

 59,533 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,520 total views

 69,520 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,488 total views

 73,488 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,375 total views

 84,375 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top