CHR, inaanasahan ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na mahalagang makipagtulungan ang pamahalaan sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia sa paghingi ni outgoing International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authorization sa Pre-Trial Chamber ng ICC upang maipagpatuloy ang imbestigasyon ng mga karahasang naganap sa Pilipinas.

Ayon Atty. De Guia, bilang tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa bansa naniniwala ang kumisyon na mahalaga ang partisipasyon ng pamahalaan sa paghahanap ng katotohanan at katarungan para sa lahat ng mga biktima ng iba’t ibang human rights violation sa bansa.

“CHR, as the country’s independent national human rights institution, continues to advise the present Philippine government to participate in this process of seeking truth and justice for the human rights violations committed in the country.” pahayag ni de Guia.

Paliwanag ni Atty. De Guia, dapat na maipamalas ng kasalukuyang administrasyon ang transparency at kahandaang makipagtulungan upang mapanagot ang mga nasa likod ng mga serye ng karahasan na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga

“There is a need for the present administration to demonstrate genuine openness, transparency, and cooperation in its engagement with human rights investigation and accountability mechanisms, including that of the UN system, in improving the human rights situation in the country.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.

Una ng pinuri ng CHR ang desisyon at kahandaan ang panibagong liderato ng Philippine National Police na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice para sa mga kaso ng marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan kung saan tinatayang aabot sa 30,000 ang nasawi.

Samantala, binigyang diin naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC hanggang matapos ang termino nito sa June 30, 2022.

Sa kabila nito nanindigan si Bensouda na bagama’t naging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 17, 2019 ay nananatili pa rin ang hurisdiksyon ang ICC sa mga krimeng nangyari sa bansa noong panahong saklaw pa ito ng korte mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.

Matatandaang mariin ang pagkundina ng Simbahang Katolika sa bansa sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 115,897 total reads

 115,897 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 150,574 total reads

 150,574 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 173,143 total reads

 173,143 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 209,630 total reads

 209,630 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 220,655 total reads

 220,655 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top