Ang simbahang sinodal ay wagas at may puso-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,277 total reads

Hinamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya ng St. Pius X Parish sa Paco, Manila na gawing konkretong buhay ang diwa ng pagiging Simbahang Sinodal sa pamamagitan ng pakikipagkaisa, aktibong pakikibahagi at pusong handang magmisyon.

Sa kanyang homiliya sa paggunita sa ika-58 anibersaryo ng pagtatalaga ng dambana, sinabi ni Cardinal Advincula na hindi nagtatapos sa gusali ang buhay ng isang parokya. Aniya, ang tunay na Simbahan ay binubuo ng mga taong nagkakaisa, nakikibahagi at sama-samang naglilingkod sa misyon ni Kristo.

“Communio, Participatio, Missio—ang tatlong matibay na saligan ng Simbahang Sinodal,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paalala ng kardinal sa mananampalataya na buhay ang Diyos na nakikipamuhay at nakikilakbay sa bawat isa sa anumang pagkakataon.

“Kapit bahay natin Siya, kaya katagpuin natin Siya sa ating kapwa. KapitBÚHAY natin Siya, kaya damayan natin Siya sa isa’t isa,” dagdag ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang tunay na kagandahan ng isang parokya ay hindi nasusukat sa gusali kundi sa pamayanang bumubuo ng komunidad.

“Ang tunay na kagandahan ng St. Pius X Parish ay hindi ang altar o pader. Maganda ang St. Pius X Parish dahil sa inyo,” ani Cardinal Advincula.

Tinawag niyang “mga buháy na bato” ang mga parokyano na may mahalagang papel sa pagtatayo at pagpapalago ng sambahayan ng Diyos.

Hinimok din ng kardinal ang mga mananampalataya na magbahagi ayon sa kanilang kakayahan at huwag gawing dahilan ang pagkakaroon ng higit na kakayahan upang magkawatak-watak.
“Magbahagi po sa abot ng makakaya; huwag yung dahil may kinakaya-kaya kaya nagkakabaha-bahagi,” aniya.

Binigyang-diin ng punong pastol ng Maynila na ang misyon ay hindi lamang tungkol sa dami ng ginagawa kundi sa pusong tunay na nakatuon kay Kristo.

“Sana rin, ang inyong pagmimisyon ay laging may puso. Ang Simbahang Sinodal ay simbahang nasa pagmimisyon—wagas at may puso,” ani Cardinal Advincula.

Samantala, sinabi ni St. Pius X Parish Priest Fr. Neofil Agallon na nais niyang gawing konkretong pagkilos sa parokya ang panawagan para sa communion, participation, at mission, partikular sa pagpapalakas ng papel ng mga layko at kabataan.

“Ang totoong misyon ko is to bring Jesus down to the people,” ani Fr. Agallon sa panayam ng Radyo Veritas.

Kabilang sa kanyang mga plano ang pagbuo ng mga volunteer catechist mula sa hanay ng kabataan at pagpapatuloy ng formation para sa mga kabataang hindi pa nabibinyagan, mga tumanggap na ng kumpil, at mga mag-asawang tumanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib sa mga Kasalang Parokya.

“Hindi puwedeng tapos na agad. Kailangan tuloy-tuloy ang formation program natin para sa kanila,” saad pa ng pari.

Para naman mapanatili ang sigasig ng mga katuwang sa parokya, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng panalangin at ng Banal na Eukaristiya, lalo ngayong naghahanda ang pamayanan sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag. Sinikap ng pari na buhayin ang diwa ni San Pio X sa kanilang parokya, kasabay ng paghimok sa mga parish collaborators na magpatuloy sa paglilingkod sa kabila ng mga hamon.

“Pray. Ang communion, participation, at mission ay hindi madali. It’s not just our own effort. Sana ang ating mga collaborator ay hindi mapagod. Hindi ito para sa atin; this is for the glory of God,” dagdag pa ni Fr. Agallon.

Itinatag ang St. Pius X Parish noong March 29, 1968 sa bisa ng dekretong nilagdaan ni Rufino Cardinal Santos, matapos itong ihiwalay mula sa Holy Family Parish ng San Andres Bukid.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 2,534 total reads

 2,534 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 20,542 total reads

 20,542 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 81,040 total reads

 81,040 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 102,172 total reads

 102,172 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 182,827 total reads

 182,827 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 283,471 total reads

 283,471 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top