Aral at alaala ng kapa ni San Martin ng Tours

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 916 total reads

Mula pa sa aming kabataan
palaging nilalarawan kabutihan
ng Patron naming mahal 
San Martin ng Tours sa France 
kung paano niyang hinati 
kanyang kapa upang damitan
at huwag malamigan dukhang
matanda nakasalubong sa daan.
Kinagabihan ay kanyang napanaginipan
Panginoong Jesus sa kanyang paanan
tangan-tangan kapang ibinigay sa 
matandang tinulungan, kaganapan ng
kanyang katuruan na ano mang kabutihan
ang inyong gawin sa mga maliliit at 
nahihirapan ay siya rin ninyong
ginagawa sa Kristo na sa atin nakipanahan.
Nguni't hindi lamang iyon ang hiwaga
ng kapa ng ating Patrong mahal 
na dating kawal, sanay sa mga digmaan:
nang siya ay mabinyagan, 
hinasa niya kanyang isipan upang matutunan 
mga aral ng pananampalataya na kanyang
dinalisay sa taos-pusong pananalangin
kaya't lubos siyang napaangkin sa Panginoon natin.
Upang maging mataimtim 
sa kanyang pananalangin, 
nagtutungo si San Martin sa kagubatan
at hinuhubad suot niyang kapa upang 
isampay at ibitin upang sakali man 
siya ay kailanganin, 
madali siyang tuntunin 
tanging kapa niya ang hahanapin.
Mula sa "kapa" ni San Martin
na noo'y kawal sa France
nanggaling salita na "kapilya"
na mula sa "chapele" ng mga Pranses
na tumutukoy sa kanyang kapa na hinuhubad
tuwing nananalangin at ngayon gamit natin
sa munting pook-dalanginan upang tulad
ni San Martin taimtim din tayong makapanalangin.
Kay sarap pagnilayan at tularan
halimbawa ni San Martin ng Tours:
hinubad kanyang "kapa" ---
kapangyarihan at katanyagan
upang maramtan ng katauhan 
ni Kristo-Jesus na "hinubad kanyang 
pagiging katulad ng Diyos upang mamuhay 
bilang alipin tulad natin" (Fil.2:7)!
Mula sa flickr.com.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,602 total reads

 1,602 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,732 total reads

 1,732 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,172 total reads

 4,172 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,577 total reads

 60,577 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,083 total reads

 184,083 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,369 total reads

 269,369 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Love and you shall see

 11,336 total reads

 11,336 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 25 October 2026

Read More »

Connections

 17,761 total reads

 17,761 total reads Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 20 October 2026 Detail of the fingers of Adam and God “connecting” in Michaelangelo’s “Creation”

Read More »

“Guilty, your Honor!”

 18,262 total reads

 18,262 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Ninth Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 18 October 2026

Read More »
Scroll to Top