VeritasPH

The Word, The Truth

Araw ng mga mapagkalingang ina

SHARE THE TRUTH

 174 total views

Mga Kapanalig, lalo na sa mga ina, belated Happy Mother’s Day!

Ngayong may pandemya, hindi biro ang pinagdaraanan ng mga ina sa loob ng tahanan. Alam at nakikita nating sila ang sumasalo sa halos lahat ng responsibilidad para sa pangangalaga sa pamilya at pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng bahay. Gaya ng sabi sa Juan 15:13, “wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa iba.” Tunay ngang wala nang hihigit pa sa walang pasubaling pagmamahal ng mga ina at pagsisikap na ginagawa nila para sa pamilya, kaya naman dapat lamang na ating nakikita at pinahahalagahan ang araw-araw nilang ginagampanan sa ating buhay.

Ngayong mas maraming oras ang inilalaan natin sa loob ng bahay, mas naramdaman ng mga nanay ang bigat at tila hindi matapus-tapos na gawaing-bahay at pag-intindi sa iba pang mga suliranin sa tahanan. Maraming mga ina ang kinakailangang pagsabayin ang pagluluto, paglilinis, pamamalengke, pag-aalaga sa mga anak, pagtuturo sa mga estudyante, habang ang iba ay sa kanila ay naghahanapbuhay. Kung tutuusin, mas lalong nakalulula ang dami ng gawain ng mga nanay ngayong pandemya. Sa pagsasara ng mga paaralan, nariyang sila ang tumatayong pangalawang guro ng mga bata. Nagagawa nila ito kasabay nang iba pang responsibilidad.

 

PSD Toktok

 

Bagamat lahat ng tao, anuman ang edad, katayuan sa lipunan, at kasarian, ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic, 54% lamang ng mga lalaki at 60% ng mga babae ang nagsasabing nadagdagan ang oras na iginugugol nila sa tinatawag na unpaid care and domestic work o pag-aalaga at mga gawaing-bahay na walang bayád. Maliban sa karagdagang oras, 28% din ng mga babae (kumpara sa 16% ng mga lalaki) ang nagsabing mas dumami o mas bumigat ang mga ginagawa nilang gawain sa bahay simula nang kumalat ang COVID-19. Ibig sabihin, mas naglalaan ng maraming oras ang mga ina sa mas maraming bilang ng mga gawain sa loob ng bahay.

Sa buong mundo, napupunta sa mga babae, partikular na sa mga ina, ang pasanin ng unpaid care and domestic work. Dahil dito, maraming kababaihan ang napipilitang tumigil sa pagtatrabaho upang maalagaan ang kanilang mga anak. Ayon sa UN Women, itutulak ng pandemya sa bingit ng kahirapan ang 47 milyong kababaihan ngayong taon, at gagawin nitong 435 milyon ang kabuuang bilang ng kababaihan at batang babaeng nakararanas ng matinding kahirapan. Kaya naman, talagang higit na negatibong naapektuhan ng pandemya ang mga babae lalo na ang mga nanay na maraming ginagawang tungkulin sa loob at labas ng tahanan.

Ang unpaid care work ng ating mga ina sa tahanan ay isang napakahalagang bahagi ng pagtugon sa pandemya. Nagagawa nilang panatilihin ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain at pag-aalaga sa mga maysakit, sa paggabay sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga bata, at sa paniniguradong may pumapasok pa ring household income. Gaya ng sabi sa Amoris Laetitia, ang mga ina at kanilang mga katangian ang pinakamabisang pangontra sa pagiging makasarili ng lipunan. Sila ang nagpapatotoo sa kagandahan ng buhay. Sinasabing ang isang lipunang walang mga ina ay napagkakaitan ng mga positibong katangian ng mga tao, dahil ang ating mga nanay, kahit sa pinaka hindi kanais-nais na pagkakataon, ay saksi at instrumento sa pagpapatuloy ng kahinahunan, kabaitan, at dedikasyon sa buhay.

Mga Kapanalig, iba-iba man ang bigat na pinapasan ng mga tao ngayong may kinahaharap tayong pandemya, hindi maikakailang seryosong usapin ang ambag ng bawat ina sa buhay ng bawat tao, lalo na sa mga pamilya. Inilantad ng krisis ng COVID-19 ang katotohanang nairaraos at gumagaan ang ating mga araw, lalo na ngayong may pandemya, dahil sa pagmamahal at pagkalinga ng ating mga ina.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,855 total views

 12,855 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 20,900 total views

 20,900 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 25,980 total views

 25,980 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,687 total views

 31,687 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,475 total views

 40,475 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 12,856 total views

 12,856 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 20,901 total views

 20,901 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 25,981 total views

 25,981 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,688 total views

 31,688 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 40,476 total views

 40,476 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,751 total views

 40,751 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,065 total views

 55,065 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,755 total views

 58,755 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,358 total views

 57,358 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,345 total views

 67,345 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,313 total views

 71,313 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,200 total views

 82,200 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,639 total views

 94,639 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,397 total views

 105,397 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,650 total views

 52,650 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top