Programa sa mga mahihirap, pina-igting ng iba’t-ibang diocese sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Abala ngayon ang maraming Diyosesis sa bansa sa pagsasagawa ng mga programa para sa mga mahihirap. Sa pakikipag-ugnayan sa mga Diyosesis na nakaranas ng bahagyang epekto ng bagyong Bising noong nagdaang buwan ng Abril, ay kanilang ibinahagi ang mga programa kung saan mas ibayong pangangailangan ng tulong o suporta.

Ayon kay Msgr. Gerry Perez ng Archdiocese of Tuguegerao , sila ay nagpapasalamat na hindi sila nakaranas ng malaking pinsala sa nagdaang bagyo lalo’t nakatuon pa din ang kanilang programa sa shelter assistance para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses noong Nobyembre ng taong 2020.

“Tuloy pa din ang aming pagpapagawa ng mga bahay para sa mga displaced families last November (Ulysses).. Mga houses na” mensahe ni Msgr. Perez.

Samantala una nang inihayag ni Rev. Fr. Renato Dela Rosa ng Diocese of Virac ang kanilang plano na makapagpatayo ng 500 Bahay para sa mga naapektuhan nmg bagyong Rolly.

Tignan: https://www.veritas846.ph/500-bahay-itatayo-ng-diocese-of-virac-sa-mga-biktima-ng-kalamidad/

Kaugnay nito, livelihood program naman ang pinagtuunan ng Diocese of Sorsogon.

Ayon kay Rev. Fr. George Fajardo, SAC Director ng Diyosesis, nakikita nila na mas makakatulong ang mga programang pangkabuhayan gaya ng gulayan sa Parokya at Rabbitry kaya naman ito ang kanilang ngayong pinalalakas.

“Okay naman kami dito, sa ngayon on going ang mobile store namin at gulayan sa parokya saka yun rabbitry livelihood kasi mas sustainable ito.. Sa ngayon meron kaming 2 gulayan sa Parokya at 1 rabbitry livelihood” pagbabahagi ni Fr. Fajardo.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga community pantry sa ilang mga parokya gaya ng sa Pu Ana at Pu Joaquin sa General Nakar Quezon pagbabahagi ng Kura Paroko nito na si Rev. Fr. Boyet Valenzuela.

“regular po ako na nagpunta sa mga maysakit at may ayuda. Yun Community Pantry 2 weeks na po ginagawa dito sa Parokya. Napakaganda po na may mga nagbibigay ng donasyon at madami din pa talaga ang nangangailangan kaya tuloy tulong lang ang pantry.” Mensahe ni Fr. Valenzuela.

Magugunitang nagsulputan ang iba’t-ibang mga community pantry sa bansa matapos mag-trending ang Maginahawa Community Pantry.

Sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng Simbahang Katolika ay matagal ng nasimulan ang mga kahalintulad na programa gaya ng Caritas kindness Station ng Caritas Philippines at mga Social Action Center sa iba’t-ibang lalawigan habang may feeding program naman ang Caritas Manila na nagpapakain sa may 6 na libong mahihirap na bata.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,667 total reads

 17,667 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,794 total reads

 17,794 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,186 total reads

 32,186 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,592 total reads

 88,592 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,093 total reads

 212,093 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,913 total reads

 295,913 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 114,155 total reads

 114,155 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top