Archbishop Tirona, naka-self quarantine

SHARE THE TRUTH

 279 total views

March 14, 2020 – 12:43pm

Tiniyak ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na siya ay nasa mabuting kalagayan bagamat kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine matapos ang kanyang naging pilgrimage sa Israel.

Ito ay makaraan ang kanyang pilgrimage sa Israel kung saan pinasinayahan din ng arsobispo ang unveiling ng Bicolano version ng Lord’s Prayer na ‘Ama Niamo’ sa Pater Noster Church sa Jerusalem.

Ayon sa Arsobispo, isang magandang pagkakataon din ang kanyang isinasagawang sa self-quarantine upang patuloy na makapagnilay at manalangin.

Pagbabahagi pa ni Archbishop Tirona bagamat nag-iisa ay patuloy ang kanyang pakikibalita sa mga pangyayari sa buong arkidiyosesis lalu’t higit sa mga may kaugnayan sa Coronavirus Disease 2019 outbreak sa bansa.

Hinimok rin ng Arsobispo ang bawat mananampalataya na bukod sa pag-iingat mula sa virus ay mahalaga ang patuloy na pananalangin para sa habag at awa ng Panginoon.

Paliwanag ni Archbishop Tirona, ang panalangin ay may pambihirang kapangyarihan bilang pananggalang ng sangkatauhan mula sa anumang banta ng kapahamakan.

Ipinag-utos na rin ng arsobispo ang pagpapaliban ng mga misa sa lahat ng parokya simula ika-14 hanggang ika-20 ng Marso bilang pag-iingat mula sa COVID-19 outbreak.

“We suspend Public Masses in the churches of the Archdiocese starting in the afternoon of March 14, 2020, until the morning of March 20, 2020. Nevertheless, priests will offer masses in the absence of the congregation for the intentions of the people. The faithful are dispensed from their Sunday Obligation on March 15, 2020,” ang bahagi ng Circular ng Archdiocese of Caceres.

Hinihimok naman ni Archbishop Tirona ang bawat mananampalataya na patuloy na manalangin sa kani-kanilang tahanan.

May live streaming din ng mga misa ang arkidiyosesis sa kanilang Archdiocesan facebook page at sa Radyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,267 total views

 14,267 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,787 total views

 31,787 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,363 total views

 85,363 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,604 total views

 102,604 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,093 total views

 117,093 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,708 total views

 21,708 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,765 total views

 24,765 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top