Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archbishop Uy, nanawagan ng panalangin para sa biktima ng landslide

SHARE THE TRUTH

 44,488 total views

Nanawagan ng sama-samang panalangin at pakikiisa si Cebu Archbishop Alberto Uy para sa mga biktima ng landslide sa Prime Waste Solutions Cebu Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City.

Sa kanyang pahayag, inalala ng arsobispo ang mga nasawi, nasugatan, at ang mga patuloy pang hinahanap, pati na ang kanilang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng trahedya.

Partikular ding binigyang-diin ng arsobispo ang pagdarasal para sa mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay na dumaranas ng pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.

“Let us unite in prayer for our brothers and sisters affected by the landslide at the Prime Waste Solutions Cebu Landfill in Barangay Binaliw, Cebu City. We remember especially the victims and their families—those who are grieving, those who are injured, and those who remain unaccounted for. May the Lord embrace them with comfort, strength, and protection.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Uy.

Nag-alay rin ng panalangin ang Arsobispo para sa mga responders at rescuers na patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations sa kabila ng panganib sa kanilang kaligtasan.

“We also lift up in prayer the brave responders and rescuers who are working tirelessly on the ground, risking their own safety to save lives. May God grant them endurance, wisdom, and protection as they carry out their mission of mercy,” Dagdag pa ni Archbishop Uy.

Kasama rin sa ipinanalangin ni Archbishop Uy ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Cebu na patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri sa kabuuang pinsala at pagtugon sa naganap na insidente.
Binigyang-diin din ng Arsobispo ang kahalagahan ng pananampalataya na dapat magbunga ng pagkakaisa, malasakit, at konkretong pagtulong sa mga apektadong komunidad.

“Let us likewise pray for Mayor Nestor and the officials of the Cebu City Government as they assess the damage and lead the response. May the Holy Spirit guide their decisions, grant them clarity of mind, and inspire swift and compassionate action for the welfare of all. In moments like this, may our faith move us to solidarity, compassion, and concrete support for our affected communities.” Ayon pa kay Archbishop Uy.

Ipinapanalangin naman ng Arsobispo sa Señor Sto. Niño ang awa at proteksyon para sa Cebu at sa mga mamamayan nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 84,188 total views

 84,188 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 107,973 total views

 107,973 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 120,208 total views

 120,208 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 305,519 total views

 305,519 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 335,388 total views

 335,388 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top